Anne Curtis, mahigit 1 milyong piso ang ibibigay sa mga bata ng Marawi

Anne Curtis, mahigit 1 milyong piso ang ibibigay sa mga bata ng Marawi

- Inanunsyo ni Anne Curtis na siya ay magbibigay ng P1,014,498 para sa mga bata ng Marawi

- Ang nasabing halaga ay doble ng halagang naliko niya bilang suporta sa London marathon na sinalihan niya kamakailan lamang

- Si Anne na isang Unicef advocate ay lubos na nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya sa kanyang adhikain na malatulong sa mga bata na biktima ng giyera sa Marawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram post, pormal nang hinayag ni Anne Curtis kung magkanong halaga ang kanyang maibibigay para sa mga bata ng Marawi.

Pinaliwanag ni Anne na nakalikom diumano siya ng P507,249 mula sa kanyang mga supporters sa pagtakbo niya sa London Marathon na ginanap noong Abril 23.

Nalaman ng KAMI na nangako pala ang TV host actress na tutumbasan niya ang nasabing halaga kaya naman naging P1,014,498 na ang kabuuang halaga na maibibigay niya sa mga bata ng Marawi.

“I was able to see photos from the Country Representative of @unicefphils Ms. Lotta Sylwander when she did a site visit and that led me to dedicate and fundraise for them. The aftermath of the war has greatly affected their lives. Their families have been displaced, some don’t have access to basic social needs such as education and healthcare. Albeit this may be a small amount compared to what needs to be done but as I say, any help can go a long way. My sincere gratitude to all of you! Till the next one? THANK YOU a million times,"naisulat ni Anne sa kanyang instagram post.

Ayon pa sa Town and Country, si Anne ay isang celebrity advocate ng UNICEF kaya naman ganun nalamang ang malasakit niya sa mga batang biktima ng giyera sa Marawi.

Natapos ni Anne ang London Marathon sa loob ng 5 oras at 12 minuto.

Ito ang pangalawang major marathon an kanyang nasalihan.

Inamin ni Anne na halos sumuko na siya sa hirap at pagod ngunit napagtagumapayan niyang matapos ang marathon para sa mga bata ng Marawi na kanyang inspirasyon.

Ang kanyang asawa na si Erwan Heussaff na kasama at sumoporta sa kanya sa marathon ay gumawa ng 1 minuto na video patungkol sa di malilimutang London Marathon ni Anne.

Saludo ang KAMI kay Anne Curtis at sa magandang adhikain niya para sa mga bata ng Marawi.

Be amazed with this young Pinoy artist's extrardinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel