Halos 5 taon na pala? Sarah Geronimo, 2013 pa nang isiniwalat ang nararanasang "quarter life crisis"

Halos 5 taon na pala? Sarah Geronimo, 2013 pa nang isiniwalat ang nararanasang "quarter life crisis"

- Naging kontrobersyal ang 'emotional breakdown' ni Sarah Geronimo sa concert niya kamakailan sa Las Vegas

- Di pala ito ang unang pagkakataon na nagsiwalat siya ng kanyang saloobin patungkol sa kanyang sarili

- Taong 2013, kung saan 25 na taong gulang pa lamang si Sarah nang inamin niya kay Boy Abunda na mayroon siyang personal na pinagdadaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat at ang ilan ay nag-alala kay Sarah Geronimo nang bigla na lamang itong naging emosyonal at nagpaliwanag ng totoong saloobin sa Las Vegas concert niya kamakailan lamang.

Inamin ng 29 taong gulang na power performer ng Viva na tila siya ay 'pagod' at 'feeling empty' sa kabila ng tinatamasang tagumpay.

"Hindi 'yung successful na shows o 'yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang isang tao, kundi 'yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi.

"Unti-unti po, hinahanap ko kung ano ba talaga 'yung gagawin ko para I will feel fulfilled. Until now, pumapasok pa rin siya sa isip ko."

Ito ang video ng interview kay Sarah na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Habang siya ay lumuluha, sinabi niya ito sa mgananood ng 'This 15 me' concert niya sa Las Vegas noong Abril 29.

Ngunit di ito ang unang pagkakataon na nagsambit ni Sarah ang matinding pinagdadaanan niya sa kanyang pagkatao.

Ayon sa ABS-CBN news, marahil ang mga loyal fans ng Pop star Princess ay maaalala na noong 2013, sa isang tell-all interview ni Boy Abunda, nasabi ni Sarah na dumadaan siya sa 'quarter life crisis'.

"Pinagdadaanan ko po siya, na may hinahanap ako na makakatulong naman sa pagkatao ko, hindi as a performer, hindi as a singer, pero 'yung totality ko bilang tao, at 25," pahayag ni Sarah na noon ay 25 na taong gulang pa lamang.

Sa hiwalay na pakikipanayam sa parehong taon, iisa ang sinasabi ni Sarah.

"Ano ba talaga'ng gusto ko? Pagpapatuloy ko ba 'to, o may isa pang pangarap na sa tingin ko doon ba ako magiging mas masaya?" pahayag ni Sarah.

Isang malalim na tanong ang naibato noon kay Sarah ni Boy Abunda: "May mga panahon ba na sobrang dami na iyong ginagawa, na nararamdaman mong 'I do everything for everyone, not just for family but for friends, I have to live up to the expectations of the public, I have to be this because I am a public figure . . .' Was there a time na, 'Pagod na pagod na pagod na ako, puwede bang ayoko na muna?'"

Diretso itong sinagot ng dating The Voice coach, "Meron po. A couple of times. Pag nag-be-break down -- I'm sorry, ha. May time na pipitik ka, e. Wala, talagang iiiyak mo na lang lahat, isisigaw mo na lang lahat, dahil pagod ka na. Ang dami mong iniisip, may problema ka pa, masakit pa 'yung puso mo, mayroon pang nanakit sa 'yo."

At dahil nasa wastong edad naman na si Sarah sa mga panahong ito, ang isyu ng pagiging 'independent' niya ay nagdagdag pa ng kontrobersiya sa 'quarter life crisis' na kanyang pinagdadaanan.

Kaugnay nito ang opinyon ng mga tao na marahil isa sa mga dahilan kumbakit nagkakaganito si Sarah ay dahil narin sa tila pagiging strikto at mahigpit ng kanyang mga magulang.

"Siguro parte po ng pagiging 25 years old ko na para kang nahahati. Part of me, gustung-gusto ko na talagang maging independent, gustong-gusto ko na mag-decide on my own, gusto ko, ako lagi."

"Pero,napakahalaga ng say ng mga magulang ko, at most of the time talaga, tama talaga sila." pahayag noon ni Sarah.

Makikita naman sa isang clip na kuha matapos ang kanyang pag-walkout sa kanyang Las Vegas show, na ang kanyang Mommy Divine pa rin ang nasa kanyang tabi nang araw na iyon.

Noon pa man ay alam na ni Sarah ang mga akusasyon sa kanyang mga magulang na tila masyado nang nanghihimasok sa kanyang buhay kahit nasa hustong edad na siya.

"Noong umpisa, siyempre napakasakit, kasi alam mo naman kung ano ang totoo. May phase pa na nahahati sa sinasabi ng ibang tao sa sarili mong pamilya, pero dumating ako sa pagkakataon, na buong-buo ako, 'yung paniniwala ko sa pagmamahal ng pamilya ko sa akin, ng mga magulang ko, na the best lang ang gusto nila para sa akin," pahayag ni Sarah noon.

Samantala, abot-abot pa rin ang suporta ang pagmamahal na natatanggap ni Sarah matapos ang kaganapan sa Las Vegas.

Ang kanyang mga fans ay nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng twitter kung saan nagtrending ang #WeloveyouSarahG.

Gayundin ang kanyang nababalitang boyfriend na si Matteo Guidicelli na dinaan sa isang post sa kanyang instagram kung saan may larawan nila ni Sarah na di naman madalas gawin ng aktor.

Todo rin ang respeto na natanggap ng Pop Star Princess mula sa mga kasama niya sa industriya.

This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression. Depression has no face | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel