"You're out for the whole day!" Mickey Perz, inaming isa siya as nagpasuspend sa Hashtag dancers

"You're out for the whole day!" Mickey Perz, inaming isa siya as nagpasuspend sa Hashtag dancers

- Choreographer ng grupong Hashtags na si Mickey Perz, inamin na siya mismo ang nagpasuspinde sa ilang mga miyembro nito

- Ipinahayag ni Mickey ang pagkadismaya sa nagiging asal ng ilan sa mga miyembro ng boy group ng 'It's Showtime!'

- Ibinahagi niya din ang mga aral na itinuturo niya sa mga ito bukod pa sa pagsayaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Choreographer ng grupong Hashtags na si Mickey Perz, inamin na siya mismo ang nagpasuspinde sa ilang mga miyembro nito.

Sa isang interview, ipinahayag ni Mickey ang pagkadismaya sa nagiging asal ng ilan sa mga miyembro ng boy group ng 'It's Showtime!'.


"The reason why they are suspended is because I suspended them and the management," diretsong sinabi ni Mickey.

Kuwento niya, madaming naapektuhan dahil sa hindi magandang kasanayan ng ilan sa grupo na maging petiks, ma-late, o umabsent tuwing may rehearsals ng sayaw.

"Kasi before din also when we were handling yung sa Star Magic, if we handle full circle, kung hindi ka mag-se-stage block, whoever is late sa stage blocking, will treat everyone to Starbucks. As in kahit sino ka they have to pay for everyone."

Dagdag pa niya, importante para sa isang dancer at performer ang maging professional at punctual sa trabaho.

"If you are late, out ka for the whole day.’ Punctuality is very important because they had this attitude na, ‘Ay, okay lang naman na yung blocking ko later na. Darating na lang ako later kasi mamaya pa yung blocking.', sambit ni Mickey: "That’s wrong."

Bukod pa dito, gustong ituro ni Mickey sa kaniyang boys ang kahalagahan ng pagtanaw ng kanilang pinagmulan sa showbiz.

“Kasi pinapakita ko sa kanila na they should not take Showtime for granted. Kahit sabihin pa nila na naka-teleserye sila, Showtime is still the show that made you you and at the same time ang babait ng lahat ng taga-Showtime sa inyo. Masyadong mabait," ani ng former PBB Housemate.

"So why aren’t you fair to them kumpara kung pupunta tayo sa mga taping schedules ninyo, nahihiya kayo sa director, nahihiya kayo sa staff, sa call time. Pero dito sa mismong bahay ninyo nakakalimutan ninyo na lahat ng staff are the reason why you are here now."

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel