"For now, kumain muna!" Andi Manzano, hindi payag mag-artista si Olivia!

"For now, kumain muna!" Andi Manzano, hindi payag mag-artista si Olivia!

- Inamin ni Andi Manzano na hindi niya papayagang pumasok ang anak na si Olivia sa showbiz

- "No! No showbiz! I don’t like," mariing sinabi ni Andi ng tanungin kung open ba sya sa pag-aartista ni Oli

- Sa ngayon ay makuntento muna ang fans ni Oli sa kaniyang exposure sa mga vlogs ni Andi at mga pailan-ilang commercials nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Madami mang exposure sa kaniyang vlogs sa Youtube, inamin ni Andi Manzano na hindi niya papayagang pumasok ang anak na si Olivia sa showbiz.

Sa interview sa isang event, sinagot ni Andi ang usap-usapan kung si Oli na ba ang magiging next child wonder ng bansa.

“No! No showbiz! I don’t like," mariing sinabi ni Andi. “The world of showbiz is very dangerous. It’s scary as a mother."

Ibig sabihin ba nito ay closed doors na ang acting or modelling para sa kaniyang unica hija? Sagot ni Andi, hahayaan niyang madecide si Oli kapag may sarili na itong pag-iisip.

"Maybe when, in the future, she decides, after college," sabi niya. "But for now, kumain muna siya. Priorities first. Hosting-hosting lang, you can do events.”

Sa ngayon ay makuntento muna ang fans ni Oli sa kaniyang exposure sa mga vlogs ni Andi at mga pailan-ilang commercials nito.

“Well, she’s slowly taking over the vlog, kuwento niya. "She’s taking over my channel, so being more talkative. She wants to talk more. So I guess, slowly, she’ll be the one who’s doing it.”

Mayroon ng 67,000 subscribers ang channel ni Andi na inamin niyang para madocument ang kaniyang buhay pamilya. Hindi man active sa TV o pelikula ang radio DJ, isa naman ito sa mga social media influencers dahil sa laki ng kaniyang following, lalo na sa fellow mommies.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel