Madamot daw? Jinkee Pacquiao, napikon sa netizen na nagpasaring sa kaniyang relihiyon

Madamot daw? Jinkee Pacquiao, napikon sa netizen na nagpasaring sa kaniyang relihiyon

- Isang basher ang hindi inurungan ni Jinkee Pacquiao na nagsabing hindi siya mapagbigay sa kapwa

- Sinagot ni Jinkee ang netizen na kumwestyon sa mga mamahaling damit at gamit na suot ng kaniyang mga anak sa isang Instagram post

- Ibinunyag ng may bahay ni Pacman na mayroon silang ipinagawang 500 bahay sa Gensan at Saranggani Province na hindi na kailangan pang ipromote online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado si Jinkee Pacquiao na hindi siya mapagpatol sa bashers online, pero isang netizen na ang sumobra sa panlalait sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Isang basher sa kaniyang Instagram post ang matapang na sinagot ni Jinkee matapos siyang akusahan na marangya at di umano'y madamot. Tinanong ng netizen si Jinkee kung bakit hindi na lang niya idonate sa mga mahihirap ang sobrang pera, kaysa bumili ng mga mamahaling brands ng mga damit, sapatos, at iba pang kagamitan.

Jinkee Pacquiao, rumesbak sa netizen na nagsabing 'madamot' siya

Screenshot from Jinkee Pacquiao's Instagram post

Lalo pang ikinapikon ng may-bahay ni Sen. Manny Pacquiao ng idinamay pa nito ang kaniyang relihiyon.

"Instead of buying lux shirts, y not donate a haus for the poor since ur that religious", comment ng netizen.

Hindi na napigilan ni Jinkee ang sarili at sinagot ang basher. "I will send you pics for the 500 houses in gensan and sarangani", ani Jinkee.

Katulad ng asawang si Pacman, kilala si Jinkee at ang kaniyang pamilya bilang relihiyoso. Madalas silang nagpopost ng bible verses sa kanilang social media accounts. Lingid pala sa kaalaman ng marami na tumutulong sila sa mga mahihirap na kababayan na hindi na kailangan pang i-post sa social media.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel