Ito raw ang dahilan! Matteo Guidicelli, nagsalita na matapos ng "emotional breakdown" ni Sarah Geronimo sa Las Vegas concert

Ito raw ang dahilan! Matteo Guidicelli, nagsalita na matapos ng "emotional breakdown" ni Sarah Geronimo sa Las Vegas concert

- Nagsalita na si Matteo Guidicelli tungkol sa naganap na pagiging emosyonal ni Sarah Geronimo sa kanyang Las Vegas concert

- Ipinaliwanag ni Matteo kung bakit naiyak ang kanyang girlfriend

- Sinagot din niya ang tanong kung nabanggit ba ni Sarah sa kanya ang pagiging "empty" niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang emosyonal na Las Vegas concert ni Sarah Geronimo nitong April 29, ay nagsalita na ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli ukol dito, ayon sa ulat ng Fashion Pulis

Nalaman ng KAMI na sa media conference ng bagong pelikula ni Matteo na Single/Single: Love is Not Enough, hindi nakaiwas ang aktor na magbigay ng update tungkol sa kanyang girlfriend.

Ang video na ito mula sa YouTube channel ng StarsPhotog Vidz ay pinakita ang interview ni Matteo sa mga reporters at ipinaliwanag ang nangyari kay Sarah.

Tinanong siya kung kamusta na si Sarah at ito ang kanyang naging pahayag.

"Everything's fine, she's just tired..

"Tuloy-tuloy yung tour, she has a tour kasi in Amerika, so tuloy-tuloy yung tour niya.

"Then I think she came from another state into Las Vegas walang tulog and she did the show.

"And you know her 15th year (anniversary) show is a very emotional jam-packed show from the start.

"She just got emotional but she's fine, everything is good"

Tinanong din si Matteo ng reporter kung may nabanggit na ba si Sarah sa kanya dati tungkol sa pakiramdam niya na "empty" o may kulang sa buhay niya.

Ngunit hindi naman ito sinagot ng diretso ni Matteo at inulit lang ang nauna niyang pahayag na pagod lang talaga si Sarah kaya mas naging sensitive ito kaya naging emosyonal.

Watch the video below:

Bago pa ang This 15 Me concert tour sa U.S. ni Sarah Geronimo ay nagkaroon muna siya ng concert sa Araneta Coliseum nitong April 14, Saturday.

Matapos lumabas ng emosyonal na video ni Sarah ay nagpahayag naman ng suporta ang boyfriend niya na si Matteo Guidicelli sa pamamagitan ng isang sweet message na pinost niya sa kanyang Instagram.

Ang concert ni Sarah ay isa ding celebration ng 15th anniversary niya sa show business.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel