Kailangan pa rin daw niya ng lalaki! Robin Padilla, nanidigan sa kanyang payo sa PGT winner na si Kristel de Catalina

Kailangan pa rin daw niya ng lalaki! Robin Padilla, nanidigan sa kanyang payo sa PGT winner na si Kristel de Catalina

- Naging usap-usapan online ang naging pahayag ni Robin Padilla na kailangan daw ng single mom na si Kristel de Catalina ng lalaki sa buhay niya

- Maraming netizens ang hindi ito nagustuhan at binatikos ang aktor

- Sa pagkapanalo ni Kristel, binati siya ni Robin sabay ang kanyang pagpapaliwanag bakit niya kakailanganin ang isang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa katatapos ng Pilipinas Got Talent Season 6, tinanghal na panalo si Kristel de Catalina, isang single mom na nagpakita ng galing sa kanyang spiral pole dancing.

Bilang isang hurado sa nasabing patimpalak, si Robin Padilla ay ilang beses nang nagbigay ng komento at makailang beses din niyang sinabing Kailangan pa rin daw niya ng lalaki sa buhay niya.

Marami ang naantig sa kwento at talento ni Kristel. Sa katanuyan nga ay 99 na porsiyento ng boto ay napunta sa kanya.

Kaya naman, marami din ang nagbigay ng kanilang reaksiyon sa mga sinabi ng action star.

Kahit tapos na ang palabas, pinaliwanag ni Robin kung bakit niya ipinayo iyon kay Kristel.

Sa kanyang Instagram post, binati niya si Kristel sa kanyang pagkapanalo.

Matatandaang pinuri niya si Kristel sa naging performance niya sa grand finals night pero pinuna niya rin na meron na siyang assistant na lalaki.

Sa ngalan ng Nag iisang Panginoong Maylikha ang PinakaMapagpala at ang Pinakamahabagin.. Akoy nagpapasalamat sa Nag iisang Dios sa pagpapala na ito na maging bahagi ng Rebolusyon sa ngayon at maging parte ng Makasaysayang Pagkapanalo ng Single mom na si Kristel. Namnamin mo ang bawat tamis ng iyong tagumpay sapagkat itoy gantimpala sa iyo mula sa Kalangitan at nagsisilbing regalo sa iyo ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng daigdig. Simbolo ka ng Kababaihan sa oras na ito! Ikaw ang anyo ng kanilang Kapangyarihan ! Ikaw ang malaki at magandang boses ng bawat kababaihan maging Pinay man o Dayuhan. Literally you are small but Terrible! The quick brown Fox" sabi nga ng mga Puting lahi sa atin. Napatunayan mo ang ibig sabihin ng Woman Power dahil sa Ganda at Swabe ng Performance mo sabi ko nga You are one with your Tools kasi napaka Fluid ng kilos mo hindi ko maramdaman na matakot kahit literal na nakabingit ka sa disgrasya You are doing a very dangerous stunt but still i am amazed by your every motion and step. We are all hypnotized by your deep love to your child and the single mom journey with life that was very clear with your choreography.... Saludo ako sa iyo Tunay na You did it All by yourself ............. pero muli kong sasabihin bilang iyong kapamilya na rin at bahagi ng pgt 6 Kailangan mo pa rin ng Lalaki at hindi ibig sabihin non na Kasintahan o ano man kundi magiging Father Image sa iyong Anak na lalaki. I will never question any mothers capability to survive and be victorious but reality is asking for it. Puede naman ibigay ito ng kahit na sinong lalaki sa Pamilya basta meron siyang maging anyo at halimbawa ng isang Lalaki. Muli KRISTEL ang Pag Angat ko saiyo na ito kahit may diperensya na ang likod ng LOLO ay Pagsaludo sa iyo at Pagpupugay sa iyong Pagkapanalo bilang Grand winner ng PGT season 6. Maraming salamat sa single dance move na ito nagmukha akong magaling na love dancer dahil sa iyong perfect form. Mabuhay ka Kristel! Mabuhay ang Lakas ng Kababaihan!!! @praybeytbenjamin

Ayon kay Robin, hindi niya minamaliit ang kakayahan ng isang ina ngunit kakailanganin di umano ng kanyang anak ng halimbawa ng isang lalaki.

Hindi naman daw ibig sabihin ay kasintahan lang ang pwedeng magbigay nun.

Maari din daw iyon magampanan ng kahit sinong lalaki sa kanilang pamilya.

8 Amazing clothes hanger hacks everyone must know - on Kami YouTube channel

Check out these amazing life hacks that will surely organize your stuff at home.

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel