Teresita Ssen Marquez bumuwelta sa basher na nagsabing parang 'Suffer Sireyna' lang ang beauty title niya

Teresita Ssen Marquez bumuwelta sa basher na nagsabing parang 'Suffer Sireyna' lang ang beauty title niya

- Di pinalampas ni Teresita "Winwyn" Marquez ang patutsada sa kanya ng isang basher patungkol sa kanyang beauty title

-Ayon sa basher, para lamang daw 'Suffer sireyna' ang napanalunan ni Winwyn na wala naman daw talagang 'weight'

- Si Winwyn ang kauna-unahang Filipina na nanalo ng Reina HispanoAmericana 2017

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binuweltahan ni Teresita Ssen "Winwyn" Marquez ang isang komento sa kanya sa twitter.

Minaliit diumano ng netizen na ito ang beauty title ni Winwyn at kinumpara pa ito sa 'Suffer sireyna' ng Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na nagpost pala si Winwyn ng larawan kung saan kasama niya sina Miss World Philippines 2017: sina Laura Lehmann (Miss World Philippines 2017), Sophia Senoron (Miss Multinational Philippines 2017), at Cynthia Thomalla (Miss Eco Philippines 2017).

Sinabi ng Winwyn kung gaano siya ka-proud sa kanyang kapwa mga beauty queens.

Ngunit, isang netizen ang walang prenong nagkomento ng di maganda tungkol sa koronang napanalunan ni Winwyn.

Narito ang komento ng nasabing netizen.

Talaga namang "below-the-belt" na ang nasambit ng netizen na ito na parang di alam ang sinasabi.

Kaya naman di ito pinalampas ni Winwyn at agad na bumuwelta sa basher.

"Sali ka sa pageant na to’ then make sure manalo ka ah since 'no weight na pageant' so madali lang. Oh! sabihan mo din mga latinas na sumali" ani Winwyn.

Si Winwyn ang kauna-unahang Filipina na kumatawan sa bansa para sa Reina Hispanoamericana.

Mapalad si Winwyn sapagkat madalas Latina ang nanalo sa Beauty Pageant na ito

Naiuwi rin ni Teresita Ssen ang korona ng Reina Hispanoamericana 2017. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ang isang pinay sa pageant na ito.

Si Winwyn ay anak ng beteranong aktor na si Joey Marquez at aktres na si Alma Moreno.

Nais ipaalala ng KAMI na mas mabuting di na lamang magsalita kung alam din lang naman natin na maaring di maganda ang kahihinatnan nito.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel