'#WeloveyouSarahG,' nagtrending sa twitter bilang suporta sa pinagdaraanan ngayon ni Sarah Geronimo

'#WeloveyouSarahG,' nagtrending sa twitter bilang suporta sa pinagdaraanan ngayon ni Sarah Geronimo

- Mabilis na nagtending ang topic na 'We love you Sarah G' na ginawa ng mga Popsters

- Ito malamang ang tanging naisip na paraan ng ibang fans para maipakita ang buong suporta nila ngayong ang kanilang idolo na si Sarah Geronimo ay may matinding pinagdaraanan

- Gamit ang hashtag na #WeloveyouSarahG mababasa ang buhos na pagmamahal sa nag-iisang Popstar princess

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Todo todo ang suporta ng mga fans at supporters ni Sarah Geronimo matapos mapabalitang nag-walkout at naging emosyonal ang singer sa kanyang show sa Las Vegas.

Nalaman ng KAMI na marami ang nagulat sa ginawang ito ni Sarah na nagpakita na ng kakaibang kilos sa pagkanta habang inaawit ang kayang iconic song na 'Forever's not enough'

Hindi na niya natapos ang kanta at dire-diretso nang nilisan ang entablado.

Umiiyak at emosyonal na Sarah Geronimo ang nagpaliwanag ng kanyang saloobin.

"Hindi 'yung successful na shows o 'yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang isang tao, kundi 'yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi," ani Sarah.

Dahil dito, mabilis na naging trending topic at hashtag ang 'We love you Sarah G' kung saan binuhos ng mga fans at supporters ni Sarah ang kanilang pagmamahal at suporta sa kanilang idolo.

Karamihan din sa kanila ay tila binibigyan na ng basbas ang Kapamilya star na magpahinga muna sa showbiz para na rin sa sariling kapakanan nito.

Sinabi rin ng mga fans na tao lang din si Sarah na napapagod at kinakailangan ng pahinga malayo sa matang mapanghusga sa kasikatan niya.

Narito ang ilan sa mga tweet ng Popsters na patuly ang pagmamahal sa kanilang idolo.

Samantala, nagpahayag din ng suporta at pagmamahal ang boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli.

Sa kanyang instagram post, sinulat ni Matteo, "Keep walking, I'll always be beside you. No matter what. I love you, my love. And I miss you."

Sa isang interview ng ABS-CBN, binanggit din ni Matteo na maayos naman ang lagay ni Sarah matapos ng kontrobersyal na concert sa Las Vegas.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa

Jackie Chan, may inamin tungkol sa nagawang pang-aabuso at pangangaliwa sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel