Depressed daw? Sarah Geronimo, umiyak sa kanyang Las Vegas concert
- Hindi napigilan ni Sarah Geronimo ang maiyak sa kanyang Las Vegas concert
- Sinabi ni Sarah ang mga katagang "Bakit I feel empty"
- Talaga namang ikinabahala ito ng kanyang mga fans at nagpahayag ng suporta para sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi inaasahan ng marami ng maging emosyonal si Sarah Geronimo sa kanyang Las Vegas concert nitong April 29 (U.S. time), ayon sa ulat ng PEP.
Ito ay parte ng This 15 Me concert tour ng Popstar Princess.
Sa kanyang concert ay ibinahagi ni Sarah ang kanyang mga personal na pinadadaanan.
"Eto na po pala yun. It hit me.
"Yung mga napapanood ko po sa videos ni MJ [Michael Jackson]. Yung sigawan at kantahan ng mga tao. Minsan may naluluha pa, gusto ka mahawakan lang.
"Grabe po. I realized na hindi po pala ako handa dun.
"Ginusto ko pong maibahagi yung talento ko, pero hindi po pala ako handa dun sa mga kasama ng hiningi ko.
"Lalo na po yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka.
"Mahirap po."
Habang umiiyak ay patuloy siya sa paghingi ng sorry, "I’m sorry, pagod po ako...
"I’m so sorry. I hope na kayanin ko i-survive itong gabing ito because you paid…
"At gumastos po kayo na mabigyan ko kayo ng entertainment.
"I’m sorry."
Nagpatuloy si Sarah sa pagkuwento, na minsan ay para bang may kulang sa buhay niya, na parang meron pa siyang hinahanap.
“I’ve been asking myself bakit I feel empty.
“Hindi yung successful na shows or mga hits ang makakapagpakumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang tao, kundi yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago—perpekto ka man o hindi.”
"At unti-unti kong hinahanap kung ano’ng gagawin ko para I will feel fulfilled.
"Hanap ako, hanap, hanap… until now pumapasok pa rin siya sa isip ko.
"And then, may nagsabi sa akin, ‘Huwag ka na maghanap, kasi ‘yan ang ibinigay na talento ng Diyos para sa ‘yo. So use it as a platform to honor His name, to glorify His name, and to become an inspiration to other people.
"Kayo po na patuloy na naniniwala, 15 years…
"Maraming-maraming salamat po. Forever po akong magiging thankful sa inyo.
"Pasensiya na po, para po sa inyo..."
Ang video na ito mula sa YouTube channel ni justvhic01 ay mapapanood ang naging emosyonal na mga pahayag ni Sarah sa kanyang Las Vegas concert.
Matapos nito ay kinanta ni Sarah ang "Forever's Not Enough" na naging unang hit song niya.
Mapapansin sa video na medyo hirap si Sarah abutin ang high notes habang kumakanta, marahil sa nagsama-samang emosyon niya.
Hindi na niya nakuhang tapusin ang kanta at sa dulo ng video ay tuluyan na siyang nag walk-out.
Watch the video below:
Marami ang nag-react sa pag-iyak ni Sarah at nagpahayag ng suporta at pagmamahal sa kanya.
Sinasabi naman ng iba na maaaring depressed daw si Sarah at ito ay isang "cry for help."
Read some of the comments from netizens below:
Bago pa ang This 15 Me concert tour sa U.S. ni Sarah Geronimo ay nagkaroon muna siya ng concert sa Araneta Coliseum nitong April 14, Saturday.
Matapos lumabas ng emosyonal na video ni Sarah ay nagpahayag naman ng suporta ang boyfriend niya na si Matteo Guidicelli sa pamamagitan ng isang sweet message.
Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.
I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel
Source: KAMI.com.gh