Matteo Guidicelli, suportado ang kasintahang si Sarah Geronimo sa matinding pinagdaraanan niya ngayon

Matteo Guidicelli, suportado ang kasintahang si Sarah Geronimo sa matinding pinagdaraanan niya ngayon

- Ilang oras matapos lumabas ang balitang naging emosyonal at nag-walkout si Sarah Geronimo sa Las Vegas, Nagpost ang kanyang nobyo na si Matteo Guidicelli

- Nagparamdam ng suporta at pagmamahal si Matteo sa kanyang girlfriend na si Sarah

- Umabot na ng halos 200k na reaksyon ang post na ito na wala pa halos 24 oras mula nang naisulat

Agad na nagpakita ng suporta at pagmamahal si Matteo Guidicelli sa kanyang nobyang si Sarah Geronimo matapos itong maglabas ng totoong saloobin sa concert niya sa Las Vegas.

Napag-alaman ng KAMI na di napigilan ni Sarah Geronimo na maging emosyonal sa kanyang "This 15 me" tour sa Las Vegas.

Ayon sa ABS-CBN, Bigla na lamang di umanong nag-walkout si Sarah habang kumakanta siya ng 'Forever's not enough'.

Mapapnsin din na tila hirap na siyang ipagpatuloy ang kanta.

Kalaunan, bumalik siya upang magpaliwanag at dito na nga niya nabanggit na tila siya ay pagod na, at parang may kulang.

"Hindi 'yung successful na shows o 'yung mga hits ang makakapag-kumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang isang tao, kundi 'yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi," ani Sarah.

Kaya naman nagpost si Matteo ng kanyang suporta kay Sarah.

"Keep walking, I'll always be beside you. No matter what. I love you, my love. And I miss you." caption ni Matteo sa kanilang larawan ni Sarah mula sa kanilang katatapos lamang na bakasyon.

Umani na ng halos 200k likes ang post na ito at may higit na 10k na mga komento.

Narito ang ilang komento ng mga netizens na nagpakita rin ng suporta sa nag-iisang Pop star princess.

"I'm a fan of both of you and your love story so inspiring ... God bless your relationship..."

"Hugs for you Sarah, keep the faith and stay strong... Kaya mo yan idol"

"Naalala ko ung scene sa Bituing Walang Ningning, Iginive up lahat ng fame para sa lalaking mahal Nya, @mateoguidicelli. Nakikita ko Kay Sarah G un. mahal na mahal ka po ni SG."

"We will be with you sarah for the rest of your journey, we will be supporting you in whatever path you'd like to take as long as it makes you happy. We will be forever your fans no matter what, even if we wont be seeing you performing on stage. We love you Sarah and we only want the best for you."

"Kaya matt pls take care of sarah. Happy to see you and sarah despite sa maraming pagsubok sa relationship nyo still together and not giving up each other. Youre such an ideal couple bihira lang sa showbiz ang katulad nyo na masasabi kong pure and true love. Praying for forever for you and sarah."

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakita si Sarah na siya ay may pinagdaraanan.

Noong 2013, inamin niya na nagkakaroon siya ng quarter life crisis.

Sinabi niya na noong panahong iyon na 25 na siya, napapaisip na siya kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

Taon ding iyon nagsimulang umusbong ang bali-balita ng pagiging malapit ni Matteo kay Sarah.

2014 nang kinumpirma ng dalawang Kapamilya stars ang kanilang relasyon.

Naniniwala ang KAMI na ang bawat tao ay dumaraan sa matinding pagsubok sa buhay. Malalampasan din ni Sarah ang kung anuman ang bumabagabag sa kanya ngayon.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel