Dahil 'palpak' daw ang gawa ni Solenn! Paolo Ballesteros, tumugon sa make-up transformation ni Solenn Heussaff

Dahil 'palpak' daw ang gawa ni Solenn! Paolo Ballesteros, tumugon sa make-up transformation ni Solenn Heussaff

- Si Solenn Heussaff ang bagong make-up transformation ni Paolo Ballesteros

- Ito ay bilang tugon sa ginawa naman daw ni Solenn na uang make-up transformation na kung saan ginaya naman niya si Paolo

- Aminado si Solenn na di biro ang ginagawang make-up transformation ni Paolo at dahil dito tumaas lalo ang respeto niya rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw matapos lumabas ang make-up transformation ni Soleen Heussaff kung saan ginaya niya si Paolo Ballesteros, gumawa rin si Paolo ng bersyon nito kung saan ginaya naman niya si Solenn.

Ayon sa GMA news online, nagpost si Paolo sa kanyang instagram ng pinaka-bago niyang obra kung saan kinopya niya ang mukha ni Solenn.

Napag-alaman ng KAMI na tinawag niya itong, "GASOLENN HEUSSAFF ????????????????????"

Ilang araw bago ito gawin ni Paolo, nagpost ng isang vlog si Solenn kung saan tinangka niyang gumawa ng isang make-up transformation.

Si Paolo na bihasa na sa uri ng art na ito ang napili niyang gayahin.

Aminado si Solenn na di naging madali ang pagkopya niya ng mukha ng batikan na sa transformation.

Dahil dito, mas nirespeto niya si Paolo sa aspetong ito dahil pareho man silang artist, pero tila nahirapan siya rito.

Sa post din ni Solenn, tila inaasahan narin niya talaga na gagayahin siya ni Paolo at iyon ay ginawa nga ng Kapuso actor.

Samantala, sina Solenn at Paolo ay mayroon pelikula na 'My 2 mommies' na ipalalabas ilang araw ang Mother's day.

Bukod dito bali-balitang magkakaroon ng isang make-up show ang dalawa kung saan mas lalo pa nating makikita ang kani-kanilang talento sa art.

Kilala si Paolo sa kanyang pagiging isang comedian host ng Eat Bulaga. Bukod dito, nakikilala na rin siya dahil sa kanyang mga ginagawang make-up transformation ng iba't ibang kilalang personalidad.

Si Solenn naman ay isa rin pintor at make-up artist. Kaya naman alam din niya ang hirap na gumawa ng isang obra.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang yaman! Bianca Gonzalez at JC Intal magpapatayo ng bagong bahay

Ang yaman! Bianca Gonzalez at JC Intal magpapatayo ng bagong bahay

Ang yaman! Bianca Gonzalez at JC Intal magpapatayo ng bagong bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel