Nililito lang daw nila ang tao! John Lloyd at Ellen ginagamit di umano ang aso sa panlilito sa panganganak

Nililito lang daw nila ang tao! John Lloyd at Ellen ginagamit di umano ang aso sa panlilito sa panganganak

- Usap-usapan ngayon ang di umano'y pagsilang ni Ellen Adarna sa anak nila ni John Lloyd Cruz

- Sa kabila ng mga usap-usapan litrato ng dalawang alagang aso ang inupload ni Ellen sa kanyang Instagram Account

- Tila nanlilito o nang aasar lang ang dating ng post nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang kompirmasyon mula sa pamilya at mga kaibigan ng magkarelasyong Ellen Adarna at John Lloyd Cruz tungkol sa di umano'y panganganak ni Ellen.

Ilang araw nang naging usap-usapan ang nasabing balita at lalong umigting nang meron isang netizen na nagsabing totoo daw nanganak ito sa Singapore noong nakaraang buwan.

Sinasabing nanganak daw siya sa Thomson Medical Center sa Singapore ngunit marami pa rin ang nagsabing hangga't walang patunay, mahirap daw paniwalaan.

Pinanindigan nina Ellen at John Lloyd ang pagpapanatiling lihim sa pagbubuntis ni Ellen kaya naman lalong naging curious ang mga mahihilig sa tsismis.

Ayon sa isang nailathalang artikulo ng PhilStar Ngayon sa panulat ni Lolit Solis, naniniwala siyang ang kanilang mga post sa social media ay panlito lang di umano sa tao tungkol sa tunay na kalagayan ni Ellen.

Nilinaw din ni Lolit na hindi naman isyu kung magbuntis si Ellen at manganak dahil nasa tamang edad naman na sila.

Dagdag pa niya, mukhang natutuwa lang silang mang good time ng mga netizens na tila nagiging stalker na sa sobrang nagiging atat na malaman ang katotohanan.

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

Love is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
Atom Araullo, nanatiling tikom ang bibig sa gitna ng pambabatikos sa kanya, may hawak daw na "disappointing" documents laban kay Mike de Leon

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel