Pinay na nangibang-bansa para matulungan ang mga magulang, isinantabi ang 'love life'

Pinay na nangibang-bansa para matulungan ang mga magulang, isinantabi ang 'love life'

- Nais lamang ni Jacqueline Elrabe na bigyan ng magangdang buhay at maayos na bahay ang kanyang mga magulang

- Nabanggit niya na yari lamang sa kawayan ang kanilang bahay at gusto niya na mapagawan ng maayos na bahay ang kanyang mga magulang.

-Maski ang pansarili niyang interes gaya ng pagkakaroon ng sarili niyang pamilya ay isinantabi niya para lang mapagtuunan ang paghahanapbuhay para sa kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pagmamahal sa magulang ang kanyang dahilan kung bakit siya nag-abroad.

Walang ibang hangad ang ating letter sender na si Jacqueline Elrabe kundi ang mabigyan ng maayos na bahay ang kanyang nanay ay tatay.

NApag-alaman ng KAMI na gawa lang kasi sa kawayan ang kanilang bahay, wala pang kuryente at wala halos mga kagamitan.

Ito ang nagganyak kay Jacque para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Masuwerte siya dahil maayos ang napuntahan niyang employer kung saan halos libre ang lahat, wifi, pagkain, cellphone, at iba pang mga kagamitan.

Pinili rin ni Jacque na isa isantabi muna ang kanyang buhay pag-ibig nang sa gayon ay maisakatuparan muna niya ang kanyang mga pangarap para sa kanyang mga magulang.

Narito ang kwento ni Jacqueline, isang OFW na walang ibang hangad kundi ang maayos na buhay para sa kanyang mga magulang.

Kaya ako nangibang bansa ay para sa family ko at para magkaroon ng medyo matatawag na bahay talaga...kasi bahay namin kawayan eh... walang ilaw walang gamit...as in mahirap. Ngayon brgy.councilor papa ko housewife mma ko, tatlo kami magkakapatid.

So far first impresyon ko palang sila dito at ok naman sila sa akin.. ok naman tulugan at foods ko... free ako lahat wifi ,cp, gamit foods...ok naman kasama ko na indonesian..sya taga luto at ako naman fucos sa pag alaga sa 15 yr old na girl autism po sya... tulong tulong nlng po kmi sa paglilinis...strict sila pero makaya lang naman...Pero yun nga lang hawak nila emirates id passport contract ko.

Thankful talaga ako ni God..galing na ako sa qatar, kuwait and hk... maswerte lang talaga ako kasi nagiging ok naman life ko.. sekreto ko pakikisama lalo sa kasama...at iniiwasan ko si sir ... at sinusunod ko lang utos or gusto ni madam at ginagawa ko ng mabuti work ko, Bawal makipag usap sa lalaki or kahit kanino... at di ko inaabuso yung kabaitan nila. Ako kasi di ako maka stay sa isang lugar kya di ako nagrerenew. Hopefully after dito try ko magwork sa labas na yung di na nanny…

Kunti lang naipundar ko...kase nauuna palagi ang problem, ngayon yung sala namin...malapit na rin matapus at motor. Wala pa sa isip ko mag asawa...as in single...fucos kase ako sa parents ko...dipa tapus dream or plano ko sa kanila kaya ganun...pero may nagging ex narin ako… marami naman nanliligaw pero di sila seryoso di rin ako seryoso ahhahaha… Ewan ko ba pamilya yung nasa puso at isipan ko, Iniisip ko kasi pag mag asawa ako ..parang hanggang doon nalang... pag single ako marami pa mangyayari… Alam ko darating din yan, pag dumating masasabi sya na talaga..

Naniniwala ang KAMI na tunay na kahanga-hanga ang mga OFW na nagsasakripisyo para lamang mabigyan ng maayos na buhay ng kanilang pamilya.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel