Punumpuno ng emosyon! Pinay na ampon ng mag-asawang Belgian, natagpuan ang tunay na ina matapos ang 38 na taon na paghahanap

Punumpuno ng emosyon! Pinay na ampon ng mag-asawang Belgian, natagpuan ang tunay na ina matapos ang 38 na taon na paghahanap

- Isang Pinay na nagngangalang Caroline Van Gills ang halos ilang dekada nang naghahanap sa kanyang tunay na ina

- Si Caroline ay inampon ng mag-asawang Belgian at dinala sa Belgium nung 1 taong gulang pa lamang siya

- Bagaman at limitado lamang ang oras ng paghahanap ni Caroline sa kanyang ina dito sa Pilipinas, di nasayang ang pagpunta niya rito at natagpuan na niya si Lelia Mahayag, ang kanyang tunay na ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong Abril, Ipinakita ng Kapuso mo Jessica Soho ang napaka-emosyonal na paghahanap ng isang Caroline Van Gills sa kanyang tunay na mga magulang.

Napag-alaman ng KAMI na inihalintulad ni Caroline ang kanyang paghahanap sa tunay na ina na parang isang 'Jigsaw Puzzle'.

Noong ika-38 kaarawan niya, sinorpresa siya ng kanyang asawa ng tiket papuntang Pilipinas.

Ngunit limitado lamang ang oras ng kanyang paghahanap mismo sa bansa kaya't wala siyang sinayang na oras.

Pagdating sa Pinas, marami na kaagad siyang nakilala mula sa pamilya Dechino na pinaniniwalaang tunay na apelyido niya.

Ayon kasi sa mga papeles ni Caroline sa pagkakaampon sa kanya, Connie Dechino raw ang tunay niyang pangalan.

Muntik nang mawalan ng pag-asa si Caroline sapagkat ang madre na nagproseso ng kanyang papeles sa pagpapaampon ay mayroon nang Alzheimer's disease. Kaya't ang tanging impormasyon na naibigay ng madre ay ang lugar na bacolod kung saan naroon ang kanya raw ina.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa youtube.

Di lang ito ang naging problema ni Caroline sa paghahanap sa kanyang tunay na ina. Oras, ibang pangalan at maging kawalan ng pag-asa ang ilang sa mga muntik nang humadlang sa kanyang paghahanap.

Sa episode ng Kapuso mo Jessica Soho noong Abril 29, Nagkakaroon na ng linaw kung sino ang tunay na talaga gn tunay na ina ni Caroline.

Lumitaw ang pangalang, Lelia Mahayag, isang 65 taong gulang na ina na naghahanap din sa kanyang anak na kanya raw pinaampon.

Sa kanilang pagkikita, di naging madali ang lahat sapagkat di parin sigurado ang bawat isa kung sila nga ba ang mag-ina.

Ang nakatutuwa lamang sa mga pangyayare sy ang pagkakatugma ng wento ni Lelia sa impormasyon na nalalaman ni Caroline tungkol sa kanyang pagkatao.

Bago umalis si Caroline pabalik muna ng Belgum, sumailalim sila ni Lelia sa DNA test para lamang masigurado ang lahat at di pa mabitin ang mga emosyon ng kanilang sitwasyon.

Nang nagkasama na muli ang mag-ina, kitang kita ang kasiyahan at ang bugso ng kanilang damdamin.

“My adoptive mother gave me all the tools that I needed to have a good life. But the emotional concept was missing,"ani Caroline sa naunang episode ng KMJS.

"The warmth of the family bond, I missed it." wika pa niya.

Samantala, Positibo ang resulta nang isinagawang DNA kina Caroline at Lelia.

Marahil sa nangyare, wala nang hihilingin pa si Caroline at ngayon madarama na niya na buo na ang kanyang pagkatao.

Naniniwala ang KAMI na ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang rason kumbakit ito nangyayare. Kailangan lamang nating pulutin ang bawat aral na ating makukuha sa mga sitwasyong ito.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'

Siya daw ang dapat sisihin! Kris Aquino matapang na inakong siya ang may sala sa diumano'y mababang kita ng 'I Love You, Hater'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel