Vic Sotto, nagdiwang ng bonggang 64th birthday sa Siargao kasama ang pamilya

Vic Sotto, nagdiwang ng bonggang 64th birthday sa Siargao kasama ang pamilya

- Para sa kaarawan ni Vic Sotto, nag-beach bonding ang kanyang pamilya sa Siargao

- Kasama sina Pauleen Luna at ang kanilang baby Talitha

- Bukod kanila Pauleen, kasama rin ang iba pang mga anak ni Vic

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong Sabado, April 28, ay nagdiwang si Vic Sotto ng kanyang 64th birthday.

Nalaman ng KAMI na para sa kanyang kaarawan ay nag bonding ang kanyang pamilya sa Siargao.

Kitang-kita sa kanilang mga photos at video clips na super saya ng naging bakasyon nila.

Bukod sa mag-ina ni Vic na si Pauleen Luna at baby Talitha ay kasama rin sina Oyo Sotto at asawang si Kristine Hermosa, Danica Sotto at asawang si Marc Pingris, at si Paulina Sotto kasama ang asawang si Jed Llanes.

May napaka-sweet ding birthday message si Pauleen para kay Vic, "7 birthdays together and i’m so grateful for each one! Thank you Lord for giving my husband another healthy year! I couldn’t have asked for a better partner in life! I love you @mzet280 Happy birthday!"

Sweet moment ng mag-asawang Vic at Pauleen.

Ang ganda naman talaga ng mag-ina dito, Pauleen with baby Talitha.

Super cute ng mag-ama, si baby Tali nakatitig pa sa daddy niya.

Ang video na ito mula sa YouTube channel ng Trendz Today ay makikita ang ilang video clips ng bakasyon nila Vic at ng kanyang pamilya sa Siargao.

Read some of the comments from netizens below:

"Biro mo 64 na parang bata pa"

"Nice! B-Day party for bossing my idol cute baby tali"

"Ang pinakamahalaga ay nagmamahalan ang bawat isa.. God will bless you more and more Sotto Family! Happy Birthday Bossing."

"ang cute ng baby nila Pauline ang taba kakagigil"

Watch the video below:

Nakakatawa talaga ang posing ng birthday boy sa picture na ito. Hindi makakaila na komedyante talaga si Vic.

Tuwang-tuwa naman si Danica sa kanyang pamangkin na si Vin, anak nina Kristine at Oyo, at sa kanyang half-sister na si baby Tali.

"nap time for Baby Vin and Tali Kagigil!!!!!!!"

Blooming talaga si Pauleen sa kanyang photo na si Vic pa mismo ang kumuha, ayon sa kanyang caption.

Nag-share si Pauleen ng video clip kung saan makikita kung gaano kaganda ang Siargao.

Pinasalamatan niya ang asawa ni Paulina na si Jed sa kanyang caption.

"My “SURVIVOR” moment So inlove with this beautiful place! Thank you, Siargao! Thank you also @jed.llanes for the video!"

Watch the video below:

Noong September 2015 ay kinumpirma ni Vic Sotto na engaged na siya sa kanyang Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna.

Ikinasal sila noong January 30, 2016, sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Ipinanganak ni Pauleen si baby Talitha, ang panganay nila ni Vic, nitong November 6, 2017, ilang araw lang bago ang kanyang birthday sa November 10.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel