Jaclyn Jose niyayaya si Andi Eigenmann na maging Kapuso

Jaclyn Jose niyayaya si Andi Eigenmann na maging Kapuso

- Sinagot na ni Jaclyn Jose mga katanungan tungkol kay Andi Eigenmann

- Sabi niya si Andi ay palaging nasa beach at talagang pinu-pursue ang advocacy niya sa pagiging environmentalist

- Niyayaya rin daw ng batikang aktres ang anak na lumipat na sa GMA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming nagtatanong kung nasaan na ba si Andi Eigenmann at kung tatalikuran na ba talaga niya ang showbiz.

Ito ay dahil sa hindi na masyadong aktibo ang aktres sa pag-post sa social media. Kung meron man siyang pinopost, eto ay tungkol sa mga advocacies niya para sa environment.

Nagkataon namang nakita ng KAMI ang interview sa ina ng aktres na si Jaclyn Jose.

Ayon sa kanya nasa beach daw palagi si Andi especially na talagang focused siya sa advocacy niya para sa environment.

Saad ni Jaclyn, nagki-clean up daw sina Andi, namumulot ng basura at plastic sa seashore.

Maliban dito, binunyag din ni Jaclyn na niyayaya na niya si Andi na lumipat sa GMA.

Hindi pa naman nakapag-desisyon ang aktres.

Si Andi Eigenmann ay anak ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

May anak si Andi na babae kay Jake Ejercito na si Ellie.

Di masyadong lumalabas si Andi sa TV o film ngayon kung kaya't maraming nagtataka kung nasaan na ito.

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kapuso host Lyn Ching’s epic transformation wows netizens

Kapuso host Lyn Ching’s epic transformation wows netizens

Kapuso host Lyn Ching’s epic transformation wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel