Conservative daw talaga siya; Manager ni Maine Mendoza pinagtanggol siya sa mga bashers na tumawag sa kanyang "lasengga, gimikera, malandi"

Conservative daw talaga siya; Manager ni Maine Mendoza pinagtanggol siya sa mga bashers na tumawag sa kanyang "lasengga, gimikera, malandi"

- Pinagtanggol ng kanyang talent manager si Maine Mendoza laban sa kanyang mga bashers

- Ayon sa kanya conservative daw na babae si Maine

- Lumalabas daw siya kasama ang kanyang mga friends pero hindi siya wild

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa talent manager ni Maine Mendoza na si Rams David, uminom man daw ang aktres, alam naman nito ang kanyang limit.

Ipinagtanggol niya ang alaga laban sa mga negatibong komento mula sa kanyang mga bashers.

Pahayag niya, “Gusto ko rin depensahan si Maine sa lahat ng issues na lumabas, not just this one.

“Ang daming issues… kesyo lasengga siya, pala-gimik siya, parang malanding babae, nag-e-entertain ng lalaki sa bahay niya.”

Mga netizens ang karamihang nagbibigay ng mga komento.

“Yun nga, baka minsan nag-uudyok ang iba para pag-usapan ng negative, ‘no?

Inisa isa niya ang dahilan kung bakit posibleng paninira lang ang motibo ng mga bashers.

“Una sa lahat, wala pong nakakaalam kung saan nakatira si Maine.

“Bibihira lang po. Mga kamag-anak lang niya, Nanay lang po, mga kapatid. At kaming mga taga-Triple A.

“At hinding-hindi niya ho gagawin yun na mag-entertain or magsama ng lalaki sa bahay niya.

Idiniin din nito na conservative na babae si Maine.

“She’s a conservative girl. I don’t think magiging ganun siya ka-wild as a person.”

Dagdag pa nito, natural lang na lumabas siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Yes, walang masama, lumalabas siya with friends.

“Kung umiinom man siya e, alam naman niya kung ano ang limits niya. She goes out with friends.

Natural lang daw ito lalo at nagtatrabaho at kailangan din mag relax ng aktres.

“So, wala hong masama dahil yung bata, nagpapagod, naghihirap din sa trabaho, so bibigyan din natin ng oras para mag-dibersiyon.”

Si Maine Mendoza ay nagsimulang makilala dahil sa kanyang mga nakakaaliw na dubsmash videos kaya siya ang tinaguriang Dubsmash queen ng Pilipinas.

Sa di inaasahang pangyayari nabuo ang tamabalan nila sa Eat Bulaga kasama si Alden Richards.

Ang kanilang tambalan ay sobrang sumikat ngunit ito rin daw ang dahilan kung bakit parang nakaramdam ng pagkasakal si Maine mula sa kanilang mga tagahanga.

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

Love is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel