Nagkita sila ng di inaasahan! JM de Guzman, ibinahagi ang nangyari nang magkita sila ni Jessie Mendiola

Nagkita sila ng di inaasahan! JM de Guzman, ibinahagi ang nangyari nang magkita sila ni Jessie Mendiola

- Inamin ni JM de Guzman na hindi na sila nakapag-usap ni Jessie Mendiola simula nang makabalik siya sa showbiz

- Sila ay dating magkasintahan bago pa man maging magkarelasyon sila Luis Manzano at Jessy

- Nagkita di umano sila nang hindi inaasahan sa isang restaurant

Simula nang makabalik sa pag-aartista si JM de Guzman, hindi umano sila nakapag-usap ng dating kasintahan na si Jessie Mendiola.

Ito ay matapos siyang magpa rehab at sinubukang ayusin ang kanyang buhay.

“Wala lang pong opportunity,” sagot niya nang matanong kung ito ba ay dahil hindi pa rin sila okay.

Nagkita umano sila nang di sinasadya sa isang retaurant isang beses.

“Pagdaan niya, nakaupo ako sa table tapos sabi nung mga friends ko, ‘Uy si Jessy tumingin dito sa table natin, nakita ka.’ Pagtingin ko, ‘Ah siya nga.’ Hindi nagtagpo 'yung [tingin] namin,” kwento niya.

Gayunpaman, masaya daw siya para kay Jessie na ngayon ay happily in love kay Luis Manzano.

“Opo. Masaya naman po ako doon. Basta kung saan po siya masaya,” saad niya.

Naitanong din sa kanya kung masisisi niya ba sa kanyang bisyo ang pagkasira ng kanyang mga naging relasyon.

“Hindi ko puwedeng sisisihin doon eh kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa kahit anong problema,” sagot niya.

Ayon sa kanya ang naging dahilan nun ay mga maling desiyon niya sa buhay.

“Isinisisi ko lahat ng nangyari sa maling choices na ginawa ko to deal with my problems,” dagdag pa niya.

Busy siya ngayon lalo na at isa siya sa lead star ng "Araw Gabi," na pagbibidahan din ni Barbie Imperial na magsisimula na sa April 30.

Source: Kami.com.ph

Related news
Di nakapagpigil! Arnell Ignacio takes cudgels for Regine Velasquez against bashers who insinuated Songbird's in it for money

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel