Kuntento na siya sa kanyang pagiging nanay! Kaye Abad ayaw muna bumalik ng showbiz

Kuntento na siya sa kanyang pagiging nanay! Kaye Abad ayaw muna bumalik ng showbiz

- Kuntento na di umano si Kaye Abad sa ngayon sa kanyang pagiging nanay

- Kaya naman hindi pa muna siya makabalik sa showbiz

- Kasalukuyan silang naninirahan ngayon sa Cebu kasama ang kanyang asawang si Paul Jake Castillo at ang kanilang baby

Mukhang masayang masaya ang buhay pamilya ni Kaye Abad lalo na at meron na silang Baby Joaquin.

Magiging 36 taong gulang na ang actress sa darating na May 17 ayon sa ulat ng Phil Star.

Ang kanyang asawa naman na si Paul Jake ay magti-34 na sin sa December 22.

Abala ang mag-asawa sa kanilang baby pati na rin sa kanilang business sa Cebu kung saan sila naninirahan ngayon.

Ayon sa aktres, nais niyang masundan na sana agad ang kanilang panganay.

Gusto daw niya ng Baby girl para daw may kalaro na rin si Baby Joaquin.

Base sa kanyang mga post sa social media, mukhang ineenjoy ni Kaye ang pagiging isang ina at asawa.

Sinabi na rin niya sa mga naging panayam sa kanya dati na hindi niya lilisanin ang showbiz bagama't pansamantala siyang nagpahinga upang mabigyang panahon ang kanyang pamilya.

Sila Kaye at Paul Jake ay ikinasal nung December 2016 sa Cebu City.

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel