Ellen Adarna, isinunod daw ang apelyido ng 'babies' niya kay John Lloyd Cruz

Ellen Adarna, isinunod daw ang apelyido ng 'babies' niya kay John Lloyd Cruz

- Nagpost si Ellen Adarna ng 'babies' daw nila ni John Lloyd Cruz sa kanyang instagram

- Nabanggit pa niya ang mga pangalan nito at siyempre, ang apelyido raw nito ay Cruz

- Mapapansin din ang 'John' at 'Marie' sa mga pangalan ng kanilang mga aso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang post ni Ellen Adarna sa 'babies' daw nila ni John Lloyd Cruz.

Napag-alaman ng KAMI na ang mga tinutukoy daw na babies ni Ellen ay mga aso.

Sa kanyang instagram post na pinakita ng ABS-CBN news, binahagi ni Ellen ang larawan ng kanilang mga aso na sina Felicia Marie Cruz at John Ruffus Cruz.

Kapansin-pansin ang paggamit ng Cruz ni Ellen na siyang apelyido ng kanyang nobyo na si John Lloyd.

Nasa pangalan din ng mga tuta ang 'John' na mula kay John Lloyd, at Marie na marahil ay galing sa 'Maria' ni Ellen na ang tunay na pangalan ay Maria Elena.

Samantala, isa rin asa gumawa ng ingay kamakailan ay ang instagram stories ni Ellen na nagpakita ng kanyang kamay.

Di lang kasi engagement ring ang suot kundi isang animo'y wedding ring.

Magpasahanggang ngayon kasi ay wala paring kinukumpirma ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon.

Kamakailan din ay nabalitang nanganak na ang dating aktres. Ito ay kasunod ng pagbati ng isang kaibigan ni Ellen at pag-'congratulate' sa kanyang 'motherhood'.

Sa posts ng kaniyang malalapit na kaibigan at kaanak, naka-tag ang sinasabing pribadong Instagram account ni Ellen na may pangalan na " @emg.a" at ang pribadong account din daw ni John Lloyd na "@_idancruz."

Dati nang nabanggit ni Ellen na kung papalarin, balak niyang magpakasal at magkaanak pagsapit niya ng 30.

Kamakailan lamang ay nagdiwang si Ellen ng kanyang ika-30 na kaarawan noong Abril 2.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel