Walang galang? Arnold Clavio may paalala sa dating kasamahan na si Karen Davila

Walang galang? Arnold Clavio may paalala sa dating kasamahan na si Karen Davila

- Ibinahagi ni Arnold Clavio ang dahilan niya kung bakit daw niya pinaalalahanan si Karen Davila

- Matatandaang nagkaroon ng parinigan sa dalawang panig

- Di naman sumagot pa si Karen sa naging buwelta ni Arnol Clavio

Ayon kay Arnold Clavio, hindi pa rin sila nakapag-usap ni Karen Davila matapos ang kanilang patutsadahan sa social media nitong Enero.

Ayon kay Igan, nag text at nag message pa daw siay sa dating kasamahan sa GMA News ngunit nanatili daw itong tahimik at walang sagot.

Hindi pa rin di umano nagparamdam si Karen kay Arnold matapos netong maunang magpadala ng mensahe sa kanya.

Umalma si Karen sa “Balitawit” segment nina Arnold, Ali Sotto, at Susan Enriquez sa Saksi Sa Dobol B ng DZBB na kanyang inilabas sa pamamagitan ng isang Twitter post.

Di umano'y pinagagtawanan ng tatlo sa naging hakbang ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ipasara ang Rappler.

Ito ang naging mensahe ni Karen, “YES! Key words - solidarity & courage. It saddens me to hear some colleagues making jokes on air on Rappler being shut down or which one’s next.”

Makalipas ang ilang araw, nagpost din si Arnold bilang tugon sa mensahe ni Karen.

Ito naman ang sagot ni Arnold, “Is this your post @iamkarendavila?

“Can’t believe you didn’t even get our side...

“Halatang hindi mo kasi napanood o napakinggan eh at naki-tsismis ka lang. ‘Solidarity and courage’ ba kamo?

"Yun nga ang mensahe ng Balitawit ko.

"Eto ang refrain para sa kaalaman mo, 'Panahon na naman ng paglaban

"Panahon na naman...

"Panahon na naman ng paglaban

"Gumising ka

“Tara na!”

Sa isang panayam sa PEP.ph, ibinahagi ng news anchor na hindi pa sila nagkaroon ng chance na makapag-usap.

“Wala. Wala, wala kahit yung…

"Yung husband niya kasi, kaibigan ko din, si DJ [Sta. Ana], nagtanong siya.

"E, di daw siya active sa Twitter, sabi ko, ‘Di bale na lang.’

“Okay lang yun, talagang parang paalala lang [yun] kasi senior naman ako sa kanya, e.”

Naging magkasama si Arnold Clavio at Karen Davila saGMA News bago pa man ito lumipat sa Kapamilya network.

Ilan sa mga programang kanilang pinagsamahan ay Brigada Siete at Radar, kaya kahit daw papaano ay kilala ni Arnold si Karen.

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

Love is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel