Mas gusto ang tahimik na pamumuhay! Alwyn Uytingco nagpaliwanag tungkol sa haka-hakang lilipat na sila sa Siquijor

Mas gusto ang tahimik na pamumuhay! Alwyn Uytingco nagpaliwanag tungkol sa haka-hakang lilipat na sila sa Siquijor

- Ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia ay napapabalitang maninirahan na sa SIquijor

- Nagbigay linaw ang actor tungkol sa balitang ito

- Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay wala pa silang napagdedesisyunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagigiliwan ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia dahil sa kanilang pagiging simple at humble.

SI Alwyn ay isang maasahan at responsableng padre de pamilya.

Ayon sa kanya, "Ako, masaya ako, kasi ito ang pinagdadaanan ko bilang isang asawa, bilang isang ama. Saka ang sarap na nagtatrabaho ka, pagod na pagod ka, pagdating mo, may sasalubong sa iyong bata."

Napapabalitang iiwan na nilang mag-asawa ang showbiz upang manirahan sa Siquijor.

Sa isang panayam sa PEP.ph, nilinaw ng aktor na wala pa daw silang napagdedesisyunan.

“I did a vlog, nagba-vlog din kasi kami ngayon.

“Yung family namin, we went to Siquijor, and I vlogged the whole experience.

“Mainly, yung pagpunta namin dun, dalawang reasons—para magbakasyon and to look for possible place na mag-settle.

Ayon pa sa kanya maaring mangyari ang kanilang paglipat pero hindi pa sa ngayon.

“Hindi naman necessary na gusto naming lumipat na agad, pero we’re looking forward in a very, very near future.

“‘What if tumira kami sa probinsiya, kumusta sa Siquijor?’

Bukas din siya sa iba pang mangyayari na maari daw makapagpabago ng kanilang plano.

“Hindi kami basta-basta lilipat agad, actually, ang dami pang mangyayari.

“Ang pangarap ko sa pamilya ko, makapagsimula ng farming, magkaroon ng simpleng pamumuhay.

“But before you go to that season of your life, marami ka pang dapat pagdaanan.”

Nang matanong tungkol sa haka-haka tungkol sa kababalaghan sa nasabing isla, ito ang kanyang tinuran, “‘Yan, hindi natin basta-basta puwedeng ide-debunk na walang mangkukulam or mayroon, kasi di mo masasabi.

“Ang masasabi ko lang ngayon, siguro yung buong isla, nag-evolve na siya into modern times.

“And kung mayroon man sigurong gumagawa nun, e, gumagawa na lang siguro pag hiniling mo, kapag hinanap mo.”

Ang mag-asawang Alwyn at Jennica ay mayroon nang isang anak na Mori ang pangalan. Kasalukuyang ipinagbubuntis naman n Jennica ang kanilang pangalawang anak na ayon sa kanya ay hindi pa nila alam ang kasarian.

Gusto daw nialng malaman iyon kapag dumating na ang araw ng kanyang pagsilang.

8 Amazing clothes hanger hacks everyone must know - on Kami YouTube channel

Check out these amazing life hacks that will surely organize your stuff at home.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel