Arnold Clavio, may mensahe kay Jiggy Manicad sa desisyong iwanan ang GMA News at sumabak sa politika

Arnold Clavio, may mensahe kay Jiggy Manicad sa desisyong iwanan ang GMA News at sumabak sa politika

- Nirerespeto ni Arnold Clavio ang desisyon ng kapwa GMA News anchor na si Jiggy Manicad na lisanin ang broadcasting para sumabak sa pulitika

- Inamin ni Arnold na nagulat siya at nanghinayang sa desisyon ng kaibigan

- Pahayag ng batikang anchor, hindi niya alam ang posisyon na tatakbuhin ni Jiggy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

“Respeto. Desisyon niya kasi yun, e, nagulat din ako,"

Ito ang reaksyon at pahayag ni Arnold Clavio sa balitang paglisan ni Jiggy Manicad sa GMA News para sumabak sa politika.

“And medyo nanghinayang kasi medyo parang Mike [Enriquez], ako, siya... parang ganun ang ini-expect ko na maging direksiyon namin," dagdag pa ng news anchor at malapit na kaibigan ni Jiggy.

Kabilang si Jiggy sa listahan ng mga personalidad na posibleng tumakbong senador sa ilalim ng partidong PDP-Laban sa 2019 elections.

Sa panayam ng PEP.ph kay Arnold noong Biyernes, April 27, sinabi nitong umaasa siyang sa panibagong daan na tatakahin ni Jiggy ay mas marami pa itong matutulungang tao.

Hindi din daw nito pipigilan ang anchor sa desisyon, lalo pa't kung alam niya na ito ang mas ikakabuti ng marami. “Pero kung mas makikita niyang mas makakatulong siya dun sa pinili niyang bagong bokasyon, rerespetuhin ko yung desisyon na yun.”

Pahayag ng batikang anchor, hindi niya alam ang posisyon na tatakbuhin ni Jiggy. “Kaya lang, hindi ko lang alam kasi pinangalanan siya, e, [ng PDP-Laban], di ko lang alam kung senado siya o lokal, di ko lang alam sa mga plano niya,"

Nang tinanong kung ano ang mensahe niya sa dating kasama sa trabaho, walang masamang hiniling si Arnold kundi ang kaligtasan.

“Siyempre, ang pray ko na sana malagpasan niya yung mga challenges niya and hope for the best."


"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
This is it! Regine Velasquez shed tears in front of fans as she finally ends transfer rumors

This is it! Regine Velasquez shed tears in front of fans as she finally ends transfer rumors

This is it! Regine Velasquez shed tears in front of fans as she finally ends transfer rumors
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel