Arjo Atayde, inihahanda na ang sarili sa posibilidad na masampal ni Maricel Soriano

Arjo Atayde, inihahanda na ang sarili sa posibilidad na masampal ni Maricel Soriano

- May bago na namang project na nakapila para sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde

- Sa palabas na may pamagat na "The General's Daughter", makakasama niya ang mga batikang character actresses na sina Ryza Cenon, Eula Valdez, Janice De Belen, Angel Locsin, at Maricel Soriano

- Inamin ni Arjo na handa na daw siya na ma-experience ang malakas na sampal ng nagbabalik telebisyon na si Maricel kung kinakailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit kakatapos pa lamang ang teleserye na "Hanggang Saan", may bago na namang project na nakapila para sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ayon sa aktor, isa na namang teleserye ng Dreamscape Entertainment ang pinaghahandaan niya. Nakatakda niyang makatrabaho sina Ryza Cenon, Eula Valdez, Janice De Belen, Angel Locsin, at Maricel Soriano sa palabas na may pamagat na "The General's Daughter".

Kuwento ni Arjo, handa na daw siya na ma-experience ang malakas na sampal ng nagbabalik telebisyon na si Maricel kung kinakailangan.

Sa isang interview, walang takot na pahayag ng aktor, “Yeah, yeah, It’s an experience you know. I’m not scared to experience anything bad like that. She slaps hard, that’s her eh what can I do? That’s her emotions as an actress and I respect her,” ani Arjo.

Ayon pa kay Arjo, kakaiba ang kanyang role sa The General’s Daughter na masasabi niyang pinaka-challenging na role na kanyang gagawin sa telebisyon. Isa itong mabigat na statement matapos siyang papurihan sa pag-ganap sa kontrabida role sa "Ang Probinsyano" bilang Joaquin.

"This is the most challenging role I’ll ever do on television, it’s crazy. I told my Mom and Tita Maricel as well when we had dinner couple of days ago. Sabi ko, ‘Tita, I don’t know how I am going do it.’ Sabi niya, ‘You just have to believe in yourself.’ And she’s just there to guide me,” sambit ni Arjo.

Ibinahagi din ni Arjo na sabik na siyang gumawa ng bagong serye, lalo na at makakasama niya ang ilan sa mga hinahangaan at tinitingalang mga aktres.

“So with the superstar to guide me, nakakatuwa. Of course, I’m more than excited. It’s an understated excitement. I’m working with the two actresses that I look up to, feeling ko kakabahan talaga ako pag nag start na kami,” pahayag pa ni Arjo.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Kapuso host Lyn Ching’s epic transformation wows netizens

Kapuso host Lyn Ching’s epic transformation wows netizens

Kapuso host Lyn Ching’s epic transformation wows netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel