Anne Curtis, solo flight na nanood ng concert matapos 'indianin' ng asawang si Erwan Huessaff

Anne Curtis, solo flight na nanood ng concert matapos 'indianin' ng asawang si Erwan Huessaff

- Pinaghalong lungkot at saya ang naramdaman ni Anne Curtis sa kakatapos lang na concert ng isang Kpop group sa bansa

- Mag-isang nanood at nag enjoy sa koncert ng Korean boyband na EXO ang aktres matapos magback out ni Erwan Heussaff, at tanggihan ni Jasmine Curtis

- Solo flight man, hindi naging hadlang ito para mag enjoy ng sobra si Anne sa concert na pinuntahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaghalong lungkot at saya ang naramdaman ni Anne Curtis sa kakatapos lang na concert ng isang Kpop group sa bansa.

Paglalantad ng actress-host, last minute na nagcancel ang asawang si Erwan Heussaff sa kaniya dahil hindi umano nito kilala ang artist na magpeperfrom. Bahagi ni Anne, solo flight siyang pupunta sa concert ng grupong EXO sa SM Mall of Asia Arena.

Nagbigay naman ng suhestyon ang mga netizens na isama na lang ni Anne ang kapatid na si Jasmine Curtis para hindi masayang ang kaniyang extra ticket.

Ikuwinento naman ni Anne na inalok niya na din ang kapatid, ngunit hindi rin niya kilala ang grupo. Napahashtag na lang ang aktres ng "when people don't get you"

Kamakailan ay lumantad si Anne bilang KDrama fanatic ng mapanood ang Kdrama na 'Goblin'. Agad siyang napabilang sa napakaraming Pinoy na nahumaling sa kultura ng mga Koreano sa pamamagitan ng Kdrama at Kpop.

Mag-isa man na nanood ng concert, hindi mapagkakaila ni Anne na sobra siyang nag enjoy at napahanga ng grupo sa kanilang mga performances. Hiling din ni Anne na mas marami pang Kpop groups at singers ang dumayo sa bansa para magperform.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Baeby Baste’s mother caught on video caring and rocking baby Tali to sleep

Baeby Baste’s mother caught on video caring and rocking baby Tali to sleep

Baeby Baste’s mother caught on video caring and rocking baby Tali to sleep
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel