Direk Jun Lana, may insider scoop tungkol sa hindi magandang 'sistema' sa showbiz

Direk Jun Lana, may insider scoop tungkol sa hindi magandang 'sistema' sa showbiz

- Ibinunyag ni Direk Jun Lana ang isang pangit na kalakaran sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas

- Ayon sa direktor, hindi seryoso at'raket' lamang ang tingin ng karamihan sa kanilang 'craft', kaya minamadali, hindi binubudget-an, at ang labas, ay pangit ang pelikulang nagagawa

- Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa post ng direktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

HIndi na napigilan ni Direk Jun Lana na maglabas ng hinaing sa kaniyang Instagram account tungkol sa isang pangit na aspeto ng showbiz industry na nararanasan niya.

Ayon sa direktor, hindi lamang 'glitz and glamour' ang show business sa Pilipinas, madami din itong itinatagong mga baluktot na nakasanayan at pangit na katotohanan.

Sa isang Instagram post, kanyang ikinuwento ang isang pangyayari kung saan “raket” lamang ang paggawa ng pelikula para sa ilang mga taga-showbiz kung kaya naman hindi rin nabibigyan ng magandang quality ang mga lokal na pelikula.

Naglabas ng pagkadismaya ang direktor, na itinuturing na passion ang paggawa ng pelikula. Ayon sa post ni Direk Jun, nakakalungkot isipin na raket lamang ang tingin ng ibang managers, artista, at handler sa mga pelikulang pinaghihirapan nilang isulat at iproduce.

“Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung pwedeng irelease agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula," pagkuwento ng Direktor.

Dagdag pa niya, ito ang isa sa mga nagiging rason kung bakit hindi umaasenso ang industriya ng pelikulang Pilipino, at mas madami pa din ang tumatangkilik sa mga foreign films na ipinapalabas sa bansa.

"Kaso ganito kagarapal ang showbiz. Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin,” aniya.

Hindi naman nagbanggit ng pangalan ang director kung sino ang kanyang tinutukoy ngunit maraming netizens ang sumang-ayon sa kanyang sinabi.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa pasaring ng direktor. Ang ilan ay nagcomment ng mensahe ng pagsuporta sa pinaglalaban niya.

"Sad truth. Not every management will think of the. WELFARE ng kanilang artista and the people they work with like you Direk. Most of the time, management will only think of the PROFIT/PERA~RAKET. Management will take advantage of their controlling power to manipulate," ani ng isang netizen.

Samantala, ang iba naman ay nagsabi na hindi solusyon ang pagpopost at pagrarant sa social media.

"I guess in that case, it should be tackle professionally. Social media is never a good way to express one's disappointment. Dapat pinaguusapan in close door, never matatapos ang ganyang scenario if laging ilalabas sa social media ung mga disappointment naten kasi if we want other party to learn, not in this way sana.. I think at the end of the day, what we want is to give a good result to make the public happy as what the entertainment provides. Di lng naman ung management masisira or ung star but even the director. I understand the situation but i hope it will be tackled in a proper venue #justsaying"

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel