Magkakasama na rin sila sa wakas! Anak, sinundo ang inang nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng halos dalawang dekada

Magkakasama na rin sila sa wakas! Anak, sinundo ang inang nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng halos dalawang dekada

- Isang Overseas Filipino Worker na nawalay sa mga anak sa loob ng 18 taon ay pauwi na ng bansa

- Ang kanyang anak ang sumundo sa kanya ng personal sa Hong Kong

- Siya ay isang single mother pero naitaguyod niya ang kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Teresita Alcanzare, 61, ay nagtrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper.

Sa araw ng kanyang pag-uwi, ang kanyang bunsong anak ang sumundo sa kanya sa airport.

Ang kanyang amo ay kanyang pinagsilbihan sa loob ng 18 taon.

Bumalik sa kanyang alaala ang mga pangyayari kapag paalis siya nang makita niya ang bunsong anak sa airport.

"Ang hirap talaga. Ayaw ko na nga maalala dahil hanggang ngayon natatandaan ko pa lahat, parang dinudurog ang puso ko," pagbalik tanaw ng ina habang siya ay kinapapanayam ng ABS-CBN.

Magkakasama na rin sila sa wakas! Anak, sinundo ang inang nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng halos dalawang dekada

Via ABS=CBN News

Magkakasama na rin sila sa wakas! Anak, sinundo ang inang nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng halos dalawang dekada

Via ABS-CBN News

"Nakikita mo 'yong mga anak mong hinihila mga maleta mo at hinahatak damit mo para 'di ka umalis. Tapos nakikita mo mga anak mo umiiyak. Sobrang sakit sa puso."

Si Hans, ang kanyang bunsong anak ay 6 na taong gulang lamang nang una niyang subukan ang pangingibang bansa.

Nagyon siya ay meron nang maayos na trabaho.

Bilang isang single mom, kinailangan niyang mangibang bansa upang buhayin ang kanyang pitong anak.

Labag man sa loob ay iniwan niya sa pangangalaga ng kanyang kamag-anak ang kanyang mga anak.

Ayon sa kanya, isa sa nagpapalakas ng loob niya ay ang pag-asa at pangarap niyang mapagtapos ang kanyang mga anak balang araw at maging matagumpay sa mapipili nilang larangan. "Nagdasal na lang ako. Sabi ko, 'Lord, ikaw na pong bahala sa mga anak ko,'"

Pagkalipas ng halos 20 taon ay makakauwi na siya sa kanyang pamilya.

Ngunit bago umuwi ay ipapasyal siya ng kanyang anak-isang pangarap na hindi niya kailanman inasahang matutupad.

"Ang tagal ko rin inantay 'to. Nangarap lang ako dati na makarating lang kahit isang bansa lang maliban sa Hong Kong," s

."Naluluha ako kasi dati pangarap ko lang din, ngayon magiging totoo na."

Ayon kay Hans, sinikap nilang magkakapatid na matupad ang pangarap na ito ng kanilang ina.

Sila ay mamasyal sa Singapore, Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Macao, and Taiwan.

This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic - on Kami YouTube channel

Love is indeed one of the most powerful forces in the world. When it comes to love: what the mind forgets, the heart remembers.

Source: Kami.com.ph

Related news
Doctor at nurse tulog! Netizen, isiniwalat ang kapabayaan ng isang ospital na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel