Wala na bang bago? Roderick Paulate, inaming 'paulit-ulit' na lang ang ibinabato ng bashers sa kanya

Wala na bang bago? Roderick Paulate, inaming 'paulit-ulit' na lang ang ibinabato ng bashers sa kanya

- Sinagot ni Konsehal Roderick Paulate ang mga kasong isinampa sa kanya sa isang Instagram post

- Ayon sa dating komedyante, paulit-ulit na lang ang mga ibinabatong paninira sa kaniya ng mga kaaway sa politika at bashers

- Sinampahan ng iba't-ibang kaso ng graft and corruption si Roderick sa Office of the Ombudsman, kung saan siya ay nakapag-piyansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsasawa na daw si Konsehal Roderick Paulate sa mga isyung binabato sa kanya ng mga bashers at kaaway sa politika.

Ito ay matapos niyang makapag-piyansa sa kasong graft and corruption, na isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa aktor-turned-politician. 


Ayon sa ulat ng GMA News Online, graft and multiple counts of falsification charges ang inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa umano’y 30 ghost employees na under sa payroll ng opisina niya noong 2010.

Bukod pa rito, nahaharap din ang aktor, kasama ang kanyang liaison officer na si Vicente Bajamunde, ng one count of violation of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nahaharap din ang dating komedyante sa one count of falsification by a public officer at eight counts of falsification of public document.

Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng pahayag ang aktor at mariing itinanggi ang mga paratang at dinepensahan ang sarili.

"Pagkatapos ng Barangay Election sa May 14 susunod na naman ang filing ng mga kandidatong tatakbo sa Oct para sa local election sa May 2019 sa QC", ani ng aktor. "Lord, ano naman po ang susunod nila? Noone is more powerful than you Lord. Noone is above your Name!

#paulit ulit #samesame"

Bumuhos naman ang suporta ng kaniyang mga fans sa comment section, kung saan sila nag iwan ng mga mensahe ng pasasalamat at pagpapalakas ng loob para sa konsehal.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel