'Huwag niyo naman akong ipressure!' LJ Reyes sinagot ang isyu kung ayaw magpakasal kay Paolo Contis

'Huwag niyo naman akong ipressure!' LJ Reyes sinagot ang isyu kung ayaw magpakasal kay Paolo Contis

- Matapos ang tatlong taon, ayaw pa din bang lumagay sa tahimik ni LJ Reyes kay Paolo Contis?

- Inamin ni LJ na ayaw niyang madaliin ang desisyon

- Binunyag din ng aktres na close ang nobyo at ang anak na si Aki, at boto ito para pakasalan ang nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot na sa wakas ni LJ Reyes ang mga spekulasyon kung magpapakasal na nga ba sila ng long time boyfriend na si Paolo Contis.

Inamin ni LJ na wala pa siyang balak na lumagay sa tahimik, at sinabing nappressure siya tuwing tatanungin tungkol dito.“Huwag niyo naman akong i-pressure," sagot niya ng muling tanungin sa estado ng kanilang relasyon. "Para sa akin, mas gusto ko na, siyempre, coming from failed relationships, ayokong madaliin," dagdag ng aktres.

Inamin ni LJ na ang pagpapakasal ay malaking bagay para sa kaniya na hindi dapat minamadali.

“Siyempre it’s something naman na talagang dapat talaga pinag-iisipang mabuti… siyempre, kay Aki," sagot ng aktres. “Siguro natutunan ko sa buhay, na huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

Pagbubunyag ni LJ, walang problema sa samahan ng boyfriend at ng anak niyang si Aki. “Although close naman talaga sila, pero huwag nating madaliin yung proseso.”

Si Aki ay ang anak ni LJ sa dating nobyong si Paulo Avelino. Mahigit tatlong taon ng magkasintahan sina Paolo at LJ. Mayroon na ding dalawang anak si Paolo sa dating asawa na si Lian Paz.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro

Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro

Diumano’y mga kuripot na celebrities, walang takot na pinangalanan ni Vhong Navarro
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel