Ninong Piolo Pascual, dumalo sa graduation ng anak ni Claudine Barretto na si Sabina

Ninong Piolo Pascual, dumalo sa graduation ng anak ni Claudine Barretto na si Sabina

- Ibinahagi ni caludine Barretto ang mga litrato sa naging pagtatapos ng anak na si Sabina

- Kasama ni Claudine si Piolo Pascual at amangkin ng aktres na si Pocholo Barretto

- Pinasalamatan ni Claudine si Piolo sa pagpunta sa graduation ng inaanak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag post si Claudine ng mga pictures sa graduation ng kanyang panganay na si Sabina Santiago.

Maraming netizen ang nag komento kung bakit wala ang ama nito na si Raymart.

Samantala, nagpasalamat si Claudine kay Piolo sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Nagtapos ng Grade 8 si Sabina sa Multiple Intelligence International School sa Quezon City.

Ang kanyang pagtatapos ay ginanap sa Cine Adarna, sa University of the Philippines Film Institute (UPFI) Film Center, nitong Biyernes, ika-27 ng Abril.

Kasamang dumalo sa kanyang graduation ay ang kanyang ninong Piolo.

Umakyat din ito upang tanggapin ang award ni Sabina na Loyalty Award.

Sa mga litratong kanyang ibinahagi, nakalagay sa caption ito, "Happy Graduation Sabina. we luv u!! Mom, Saint, Q, kuya Cholo, Ninong Piolo @piolo_pascual @pocholobarretto @sabina_barretto_13 #miisgraduation"

Naging magka trabaho sila Claudine at Piolo sa pelikulang Milan noong 2004 at teleseryeng Walang Kapalit noong 2007.

Kasama din ang pamangkin ni Claudine na si Cholo Barretto na dumalo sa graduation ni Sabina

8 Amazing clothes hanger hacks everyone must know - on Kami YouTube channel

Check out these amazing life hacks that will surely organize your stuff at home.

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel