JM de Guzman, sinampal daw ng katotohanan ni Angelica Panganiban

JM de Guzman, sinampal daw ng katotohanan ni Angelica Panganiban

- Binigyang linaw ni JM De Guzan ang totoong estado ng kanyang relasyon kay Angelica Panganiban

- Mula nang magbalik showbiz ang aktor ay madalas makitang magkasama ang dalawa

- Laking pasasalamat daw ni JM kay Angelica at sa iba pa nilang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapang ang larawan nina JM de Guzman at Angelica Panganiban na halos magkadikit na ang kanilang mga labi.

Ito tuloy ay naging isang palaisipan kung ano ba talaga ang estado ng relasyon ng dalawa na madalas ding nakikitang magkasama.

Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni JM de Guzman na talagang magkaibigan lang daw sila ni Angelica.

Dagdag pa ng nagbabalik na aktor na wala rin siyang balak ligawan ang Kapamilya actress.

"Mag-tropa po kami ni Angelica. Kulitan lang po namin iyong mga ganyan," paliwanag ni JM.

Napag-alaman ng KAMI na laking pasalamat pa ni JM sa grupo ng mga kaibigan nila ni Angelica dahil sila ang naging kaagapay niya para manumbalik muli siya maayos na buhay at sa kanyang trabaho.

"Iyong mga mali ko talaga dati, sinasampal nila sa mukha ko. I'm really thankful for that," sabi ni JM.

Minsan nang naging usap-usapan sina JM at Angelica dahil sa mga instagram post na nagpapakita na sila ay magkasama.

Dahil dito umasa ang mga fans ng "That thing called Tadhana" movie na magkakaroon pa ito ng Part 2.

Matapos ang mahigit na 2 taon, opisyal na nagbalik showbiz si JM noong Disyembe kasabay ng pagpirma niya ng kontrata sa Star Magic.

Ito ay matapos niyang isapubliko na siya ay substance-free na sa loob ng isang taon.

Huling napanood sa telebisyon si JM noong pang 2015 sa 'All of Me'

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again

Vice Ganda reveals reason for not wanting to do teleseryes again
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel