Hindi raw bagay na judge! Robin Padilla, binatikos dahil sa kanyang mga komento sa PGT

Hindi raw bagay na judge! Robin Padilla, binatikos dahil sa kanyang mga komento sa PGT

- Umani na naman ng mga negatibong komento ang pagiging judge ni Robin Padilla sa "Pilipinas Got Talent"

- Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga komento ni Robin kanila PGT grand finalists Kristel De Catalina at Jonacris Bandillo

- Para sa kanila ay "sexist" daw ang mga komento ni Robin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang kwinestyon ng ilang netizens ang pagiging judge ni Robin Padilla sa Pilipinas Got Talent.

Nalaman ng KAMI na nitong Sabado, April 28, ay sinabi ni Robin sa grand finalist na si Kristel De Catalina, na isa sa nagustuhan niya sa kanyang performance ay meron siyang kasamang lalaki.

Si Kristel ay isang single mom na taga-Antipolo city, ayon sa ulat ng PEP.

"Alam mo yung mga ginagawa mo delikado pero gusto kong malaman mo, kahit isang beses hindi ako ninerbyos.

"Dahil alam ko napakagaling mo, napakahusay mo. Kung papano ka kumakapit diyan sa kinakapitan mo, iisa kayo, hindi ka lumalayo sa kanila."

Dagdag pa niya, "At gusto ko lang malaman mo na gustung-gusto ko, na merong nag-assist sa 'yong lalaki ngayon.

"Isang malaking bagay na ang assistant mo, may lalaki diyan sa baba.

"Hindi man katabi mo pero assistant mo. Maraming salamat sa 'yo, ang galing mo."

Watch the video below:

Para naman sa isang grand finalist na si Jonacris Bandillo, na nag-perform ng billiard tricks, tinanong ni Robin kung ang dahilan ba ng pagsablay niya ay dahil ba raw sa magandang legs noong isang babae.

Ito ay hindi din nagustuhan ng ilang mga netizens.

"Gusto ko lang tanungin bakit ka sumablay doon? Dahil ba maganda yung legs noong babae?"

Watch the video below:

Umani naman ng mga batikos mula sa netizens ang komento ni Robin kay Kristel at Jonacris.

Para sa kanila ay "sexist" ang komento ni Robin kay Kristel. Hindi raw tama na pinipilit ni Robin na parating kailangan ng lalake sa buhay ng kababaihan.

Read some of the comments from netizens below:

Sa kabilang banda, meron din namang sumusuporta at naniniwala kay Binoe.

Read their comments below:

Pagkatapos ng limang linggo ng pakikipagtagisan ng talento ay humantong na sa pagwawakas ang Pilipinas Got Talent.

Ang part 1 ng grand finals ay napanood na nitong Sabado, April 28, at ang part 2 naman ay mapapanood na mamayang gabi, April 29.

Ang mananalo ay magkakamit ng 2 million pesos at isang "luxurious vacation package."

Ang mga nakasama sa grand finals ay sina Nocturnal Dance Company, Orville Tonido, Kristel De Catalina, Xtrme Dancers, Bardilleranz, DWC Aeon Flex, Joven Olvido, Julius and Rhea, Jonacris Bandillo, at Cebeco II Blue Knights.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel