Weighlifting silver medalist Hidilyn Diaz, isa na ngayong model?

Weighlifting silver medalist Hidilyn Diaz, isa na ngayong model?

- Isa si Hidilyn Diaz sa pinakabagong modelo ng International brand na Avon

- Hindi make-up kundi undergarments pa ang minodelo ni Hidilyn

- Nilahad pa ng Olympic silver medalist sa weightlifting na minahal daw niya ang 'kamachohan' niya ngayon na noon ay kinahihiya niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasama si Hidilyn Diaz sa mga bagong endorsers ng Avon Intimate Apparel.

Ang Olympic Silver medalist na ito sa weightlifting ay kasama nina Jennylyn Mercado, Wilma Doesnt, Alice Dixson at Tricia Centenera.

Sila ay bahagi ng Avon Fashion Intimate Apparel na may temang, "different women, different situations, same goal.

Sa kanyang instagam post, bnahagi ni Hidilyn ang kanyang saloobin tungkol sa pagmomodelo niyang ito.

“Thank you for the opportunity, God! I’m so blessed to be part of Avon campaign “STEP INTO YOUR COMFORT ZONE.” Di ko inakala may tinatago akong ganda,” sabi niya.

Napag-alaman ng KAMI na bata pa lamang si Hidilyn ay malaki na ang insecurity nito sa pangangatawan.

“Noong bata ako, talagang hindi ako kumportable sa kung sino ako,” sabi ni Hidilyn.

“Talagang macho ako, so insecure ako sa sarili ko. Tingin ko sa sarili ko, pangit ako.“

Dahil sa pagka-maskulado ng kanyang pangangatawan, madalas siyang tuksuhin na macho.

“’Yung kahit lumabas lang ako ng bahay na naka-sando, sasabihan ako ng ‘uy, ang macho-macho mo.”

Dahil dito, lalo siyang na-insecure at nawawalan ng tiwala sa sarili.

“Pagbalik ko, naka-jacket na ako. Nahihiya ako,” kwento ni Hidilyn.

Ayon pa sa push, matindi rin ang pinagdaanan ni Hidilyn pagdating sa weightlifting.

“As a weightifter and an athlete, kailangan nating tanggapin ang katawan natin,”

“Natuto akong mahalin ang ka-machohan ko at ipinapakita ko sa buong mundo na ito ‘yung hard work na ginagawa ko.”

Dahil dito, nagpayo rin si Hidilyn sa mga kababaihang walang tiwala sa kanilang pangangatawan.

“Umalis kayo sa comfort zone nila. Kung sino man sila, mahalin nila kung anong meron sila. Dalhin mo ang sarili mo at ipakita mo na confident ka,” wika ni Hidilyn.

Noong 2016 Summer Olympics, nagkamit si Hidilyn ng Silver medal sa women's 53-kg weight division.

Si Hidilyn ay parte rin ng Air Force Special Service Group, PAF Personnel Management Center, 710th Special Operations Wing bilang Airwoman First Class.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel