Solenn Heussaff palpak daw ang make-up transformation bilang si Paolo Ballesteros

Solenn Heussaff palpak daw ang make-up transformation bilang si Paolo Ballesteros

- Sa unang pagkakataon, si Paolo Ballesteros naman ang ginaya ni Solenn Heussaff sa isang make-up transformation

- Si Solenn ay isang make-up artist din ngunit inamin niya mahirap talagang gawin ang make-up transformation

- Naging popular si Paolo Ballesteros sa kanyang mga make-up transformation kaya naman nabanggit ni Solenn na si Paolo na lamang ang gumaya sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala rin si Paolo Ballesteros dahil sa mga make-up transformations niya sa iba't ibang artista, local man o international.

Ngunit ngayon, si Paolo naman ang ginaya ng isa ring artist na si Solenn Heussaff.

Isang vlog ang ginawa ni Solenn na nagpapakita kung paano niya tinangkang gayahin ang mukha.

Inakala ni Solenn na dahil isa rin siyang make-up artist ay magiging madali lang para sa kanya ang make-up transformation.

Sa kanyang instagram post, Inamin ni Solenn na sa kanyang palagay ang make-up transformation ay ang maituturing na pinakamahirap gawin na art.

Dahil dito, mas lalong humanga si Solenn kay Paolo ngayon nalaman niya na di biro ang ginagawa nito.

"So i tried to be @pochoy_29 . I paint and i do make up, but transforming a face into another is probably the most difficult art haha. I appreciate Paolo's work even more now. Respect!!!! I cant wait to see my face on him!!!!! Link on my bio," sulat ni Solenn.

Ito ang vlog ni Solenn na nakuha ng KAMI sa youtube.

"Of course, Paolo is just the best when it comes to these things and being a first-timer, I realized that I totally S***. Haha. Even though I paint and do makeup professionally, makeup transformation is a totally different art and requires a skill that I just don’t have in my pocket! I appreciate Paolo’s work even more now. Respect!!!!," dagdag pa niya.

Sina Solenn at Paolo ay magkasama sa isang pelikula mula sa Regal Films ang "My 2 mommies" na ipalalabas sa mother's day.

Nababalitang magsasama sa isang magazine show sina Paolo at Solenn kung saan mas maipapakita nila ang kanilang talento sa pagmi-make-up.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react

Nagselos kay Thor? Solenn Heussaff na-startruck nang husto kay Chris Hemsworth, Nico Bolzico nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel