Pinahamak at di pa pinasahod! OFW minalas sa employer, balak paring mangibang bansa

Pinahamak at di pa pinasahod! OFW minalas sa employer, balak paring mangibang bansa

- Nagpakita ng kasipagan at walang reklamo ang OFW na si Marites Codizar

- Sa huling employer niya sa Saudi, siya ay pinahamak, ginawan ng masama, dahilan para siya ay mapilitang umuwi sa ating bansa

- Dala ng hirap ng buhay, may balak pa rin na umalis at mag-abroad si Marites sa kabila ng sinapit niya sa huling pinasukan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan talaga kahit di na naging maganda ang kinalabasan ng isang bagay, napipilitan parin tayong balikan muli ito at pagtiisan anumang hirap na ang ating dinanas.

Gaya na lamang ni Marites Codizar na buong tapang na nilahad sa KAMI ang kanyang dinanas bilang isang OFW.

Pinahamak at di pa pinasahod! OFW minalas sa employer balak paring mangibang bansa

Si Marites Codizar

Wala nang katuwang si Marites sa pagtataguyod sa kanyang limang anak.

Pumanaw ang kanyang asawa taong 2004 pa lamang kaya naman mag-isa niyang sinisikap na buhayin ang mga anak.

Gaya nang kadalasang dahilan ng pangingibang bansa, napilitang mag-abroad si Marites dala ng kahirapan.

Mayroon pa kasi siyang anak na nasa kolehiyo kaya ginagapang niya ito na makatapos.

Pinahamak at di pa pinasahod! OFW minalas sa employer balak paring mangibang bansa

Pamilya ni Marites

Matiisin at di mareklamo si Marites pagdating sa trabaho.

Ngunit isang pangyayare ang naging dahilan upang siya ay magdesisyon na umuwi pansamantala sa Pilipinas.

Narito ang buong salaysay ni Marites Codizar, isang ulirang ina na handang suungin ang anumang hirap ng buhay para sa kanyang mga anak.

Marites Codizar, 48 years old

Mahirap lang ako at may limang anak, namatay na kasi ang asawa ko noong Jun 4 1994, kaya mag isa lang akong bumubuhay sa aking mga anak at wala akong sariling bahay ....hangang ngaun.! umuupa lang kami ng 2,500 kada buwan at may pinapaaral pa ako sa kolehiyo...kaya kailangan kong mangibang bansa para matustusan ko ang pangangailangan ng mga anak.

Nag start ako mag abroad 2009 wala po ako naipundar kasi maliit pa mga anak ko nun at lahat ng gastusin akin lahat at maliit lang ang sahod ko 9 hundred reyal lang kada buwan kaya wala akong naipon kasi kulang pasa mga anak ko. Mahirap ikwento ang buhay ko kasi nangyari na yun ang mahalaga sa akin naka uwi akong ligtas at maging ok ang pamilya ko, kaya wala akong tigil sa pag abroad.ang dami kong naranasan sa lahat ng napuntahan kong bansa pero tiniis ko alang alang sa aking mga anak..

Pinahamak at di pa pinasahod! OFW minalas sa employer balak paring mangibang bansa

Si Marites habang siya ay nasa trabaho.

Naranasan ko magutom puro trabaho lang pero sa akin walang problema kahit gaano kadami ang trabaho basta mabait lang sana ang amo, kasi never po akong magreklamo lahat kaya Kong tiisin wag lang akong maltratuhin, pero ngaung last naalis ko dito sa Saudi sa may Sarat obieda abha...dito lang ako minalas ng sobra dahil kahit wala kang ginawang masama pilit ka nilang gawan ng masama para mapahamak ako.....dito lang ako talaga sumurender at kinakailangan ko na ng humingi ng tulong sa POAE at sa agency ko para makauwi na ako agad sa bansa natin.. ibang klase kasi ang ginawa sa akin dito.

Ngayon nkauwi na ako dito sa pinas, isa lang naman ang hiling ko sana maibigay lang nila yong pinag trabahuan ko sa Saudi un lng po! para mkabayad naman ako sa upa ng tiniterahan namin ng mga anak ko at mbayaran ko yong inutang ko nung nilakad ko yong mga papers ko kasi may interest yun, sa katunayan ngaun hindi pa ako nkabayad sa rent ng bahay ko ngaun kasi umuwi ako ng walang pera.

Pero kahit gaano kadami ang naranasan ko sa abroad .Hindi parin ako titigil kasi kailangan ko pang umalis ulit para mag trabaho kasi hindi pa tapos ang bunso kong anak sa pag aaral.

Naniniwala ang KAMI na sa anumang pagsubok sa buhay, makakamit din ang ginhawa at tagumpay lalo na kung pinaghihirapan ang bawat hakbang ng buhay.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!

Isang fan, hinamon si Manny Pacquiao ng suntukan sa isang event!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel