2017 BAR Topnother na si Mark John Simondo, nag-aaral daw ng 8 hanggang 12 oras araw-araw bago ang exam

2017 BAR Topnother na si Mark John Simondo, nag-aaral daw ng 8 hanggang 12 oras araw-araw bago ang exam

- Ibinahagi ni Mark John Simondo, BAR topnatcher ng 2017, kung paano niya napagtagumpayan ang nasabing exam

- Sinabi ni Mark na naglalaan daw siya ng 8 hanggang 9 na oras araw-araw bago ang mismong BAR exams

- Sinapuso niya ang payo ng kanilang dean na unang araw pa lang ng pagtuntong niya ng Law school, ay unang araw din ng preparasyon niya para sa BAR

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang pinaghandaan ni Mark John Simondo ang BAR exam niya sa unang araw pa lang ng pagtuntong niya sa Law school.

Ito ang payo sa kanila ng kanilang dean sa University of St. La Salle in Bacolod, Negros Occidental, kung saan sinabi nito na dapat nang dibdibin ang preparasyon sa BAR exam sa unang araw na pinasok nila ang Law School.

Si Mark John ang nanguna sa 1,724 na passers at siya ay nagkamit ng 91.05 percent sa exam.

2017 BAR Topnother na si Mark John Simondo, nag-aaral daw ng 8 hanggang 12 oras araw-araw bago ang exam

2017 BAR Topnother na si Mark John Simondo, nag-aaral daw ng 8 hanggang 12 oras araw-araw bago ang exam

Inilabas ang resulta ng mga nakapasa sa BAR exam ngayong Abril 26.

Ayon sa ABS-CBN news, nakapanayam agad ng DZMM radio si Mark John at nakausap ito tungkol sa magandang balita na nakamit niya ngayong araw.

"Starting first year I really hoped and really aimed to get into the top 10 that's why I really studied hard," ani Mark John.

Napag-alaman ng KAMI na 8 hanggang 9 na oras talaga ang nilalaan niya sa pagbabasa ng mga kaso at lectures.

Ngunit pagpasok ng 'ber' months, ginawa niya itong kalahating araw o 12 na oras.

"Medyo flexible naman ang schedule ko. I just see to it na I read around 8 to 9 hours a day and during the 'ber' months I increase it to 12 hours per day," pahayag ni Mark John.

Siya rin ang nagtapos bilang 'cumlaude' noong kolehiyo, ngunit di pa rin siya makapaniwala na siya ang mangunguna sa 2017 BAR exams.

"Nagtext ang kaibigan ko sabi, 'congrats top 1 ka' so at first I did not believe it but then there were many messages na and I saw a screenshot nga of list of topnotchers,"

"I'm quite shy to say this but I cried quite hard kasi I really did not expect it," dagdag pa niya sa isa pang panayam.

Sa katunayan, ang inaasahan lamang daw niyang makuha ay 83 percent at pinakamababa na ang 74 percent.

Kaya't laking gulat niya nang nakamit niya ang unang pwesto at lampas 90 percent na marka.

"Ma, pa thank you so much for the support and to my special someone thank you so much. I would not have passed the bar without you. And above all thank you God," pasasalamat ni Mark John.

Kumuha ng Law si Mark John para patunayan sa kanyang mga magulang na di kailangang mag-abroad para sa mas maayos na buhay.

Pakiramdam niya talaga na siya ay para sa bansa.

"I felt that the Philippines is where I should be,"

"I am open to a position in public service but I really like corporate law. But I heard that corporate law practice here in Bacolod is quite limited,"

"At the end of the day we are still a nation of law and not of men. I will do my part in upholding the rule of law," pagtatapos ni Mark John.

Congratuations Mark John, from KAMI!

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga 'Starstruck' graduates ng kapuso na nagtrabaho sa kapamilya at sumikat

Mga 'Starstruck' graduates ng kapuso na nagtrabaho sa kapamilya at sumikat

Mga 'Starstruck' graduates ng kapuso na nagtrabaho sa kapamilya at sumikat
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel