Zamboanga City Mayor & 2 congressmen nasaktan matapos masira ang footbridge na nilalakaran

Zamboanga City Mayor & 2 congressmen nasaktan matapos masira ang footbridge na nilalakaran

- Nasira ang isang footbridge sa Zamboanga City

- Nahulog ang City Mayor at dalawang congressmen nang masira ang footbridge

- Dahil dito, nagtamo sila ng minor injuries

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zamboanga City Mayor Beng Climaco, Negros Occidental Representative Alfredo Benitez at Zamboanga City Representative Celso Lobregat ay nasaktan matapos masira ang footbridge na nilalakaran nila sa isang housing project.

Napagalaman ng KAMI na sa Baranggay Rio Hondo, Zamboanga City nangyari ang aksidente.

Ayon sa GMA News, minor injuries lang ang sinapit ng mayor at congressmen.

Nagpost sa social media ang isa sa mga congressmen ukol sa insidente:

“Nahulog kami ng aking mga kasama sa tulay na nilalakaran namin papunta sa mga housing on stilts sa Brgy Rio Hondo, Zamboanga City.

“Ang kakulangan sa maintenance sa paggawa ng mga tulay at bahay ay napakadelikado para sa mga residente lalo na sa mga bata,” sinulat ni Benitez.

Nagsimula si Mayor Climaco bilang councilor sa Zamboanga noong 1998.

Naging Vice Mayor naman siya noong 2004.

Simula noong 2013, siya na ang naging Mayor ng Zamboanga City.

Hiling ng KAMI na maging ligtas lahat ng residente sa Brgy. Rio Hondo sa Zamboanga City!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons

Honesty store at PNP Manila office gets robbed by 'dishonest' patrons
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel