Isabelle Daza, sinisante ang night nurse ng kanyang baby

Isabelle Daza, sinisante ang night nurse ng kanyang baby

- Nagpost si Isabelle Daza kung bakit niya sinisante ang night nurse ng kanyang baby

- Ang night nurse pala na kanyang tinutukoy ay ang kanyang Mister na si Adrian Semblat

- Ngunit, meron pala talagang night nurse si Isabelle para sa kanyang baby boy at nirekomenda pa niya ang app kung saan niya nakuha ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram stories, binahagi ni Isabelle Daza ang video ng kanyang mister na nakikipaglaro sa kanilang baby boy sa dis-oras ng gabi.

Nilagay niya ang caption na, "My night nurse who I fired because he keeps on playing with the baby during sleep time."

Dito makikitang giliw na giliw ang asawa ni Isabelle sa kanilang baby boy na si "Kanye".

Ang asawa pala niya na si Adrien Semblat ang tinutukoy niyang night nurse sa post na ito.

Ngunit sa mga sumunod na post ni Isabelle, napag-alaman ng KAMI na mayroon pala talaga siyang night nurse para sa kanyang baby.

Pero 'love' daw niya ito! Isabelle Daza, sinisante ang night nurse ng kanyang baby

image: ABS-CBN news/ Isabelle Daza instagram stories

Kinunan pa ito ng video ni Isabelle habang inaalagaan nito ang kanyang anak.

"I love my night nurse as much as I love my child,"

"Because of her, I can sleep four hours at night. Why didn't I do this earlier?!" ani ni Isabelle sa kanyang Instagram stories.

Ayon din kay Isabelle, nakuha niya ang kanyang night nurse sa pamamagitan ng isang app.

Nanganak si Isabelle noong Abril 1. Inaakala ng marami na isa itong 'biro' dahil sa nagkataon na 'April fools day' ang ng araw na iyon.

Pero 'love' daw niya ito! Isabelle Daza, sinisante ang night nurse ng kanyang baby

image: ABS-CBN news/ Isabelle Daza instagram stories

Minsan na rin naibahagi ni Isabelle ang mga pinagdadaanan niya bilang isang first-time mommy.

Ngunit sa kabila ng kanyang hirap, di raw matatawaran ang sarap na kanyang nadarama ngayon na siya ay isa nang ganap na ina.

"I'm so grateful everyday for this baby boy. He is worth the sleepless nights and the weight gain. Blessed."

Setyembre ng nakaraang taon inanunsiyo ni Isabelle ang kanyang pagbubuntis.

Ito ay isang taon mula nang sila ay ikasal noong Setyembre 2016.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video

Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video

Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel