Anne Curtis, naiyak nang makita si Erwan Heussaff na todo suporta sa kanya sa London Marathon

Anne Curtis, naiyak nang makita si Erwan Heussaff na todo suporta sa kanya sa London Marathon

- Si Anne Curtis ay isa sa mga finisher ng London marathon noon Abril 22

- Sa isang minutong video sa facebook makikita ang lahat ng sinuong ng aktres sa marathon

- Naiyak na lang si Anne nang makita ang mister na si Erwan Heussaff na todo ang suporta sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinuturing ng Kapamilya star na si Anne Curtis na isa sa pinaka-matinding achievement niya ay ang maging finisher sa ginanap na London marathon noong Abril 22.

Napag-alaman ng KAMI na kasama ni Anne ang asawang si Erwan Heussaff na siyang pinaghugutan ng lakas ng aktres sa nasabing marathon.

Ayon sa ABS-CBN news isa rin sa mga sumuporta kay Anne ay ang grupo ng mga UK based na Filipino sa London.

Sa isang emosyonal na video niya sa facebook, nilahad ni Anne ang kanyang pinagdaanan para sa 42 kilometro na pagtakbo sa London.

Hindi biro ang naging preparasyon ni Anne na kahit pinakita lamang ito sa loob ng isang minuto, ramdam mo ang tindi ng emosyon na binuhos ng aktres para dito.

Ayon pa sa kanya, inialay niya ang pagtakbo niyang iyon para sa kabataan ng Pilipinas.

Sa video clip ding ito makikita kung paano na lamang naiyak si Anne nang makita ang asawa niyang si Erwann Heussaff habang siya ay tumatakbo.

Kinalma ni Erwann ang kanyang Misis at pinalakas pa lalo ang loob nito na matapos ang marathon.

Ang naturang video any gawa ni Erwann na 5 oras nag orihinal na kuha at ginawa na lamang niyang isang minuto.

Ito ang video clip na nakuha ng KAMI sa facebook page ni Anne Curtis.

Samantala, sa isang instagram post ni Anne nilahad niya na ang matatanggap niya sa marathon ay mapupunta bilang donasyon sa mga batang apektado ng Marawi.

Si Anne ay ang celebrity advocate ng UNICEF mula pa noong 2015.

Ang pagtakbo niya sa London Marathon ay parte ng pagiging ambassador niya sa nasabing organisasyon na naglalayong tumulong sa mga batang nangangailangan partikular na sa ating bansa.

Ito ang dahilan kumbakit ganun na lamang ang emosyon na binuhos ni Anne sa natapos na marathon sapagkat ito ay ginawa niya di lang para sa sarili kundi sa kabataan ng Pilipinas.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap

Ibinunyag nina Erich Gonzales at Ejay Falcon na ilang taon din silang hindi nag-uusap
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel