Vice Ganda, nagsusumbong daw sa kaniya ang anak ni Vhong Navarro habang umiiyak

Vice Ganda, nagsusumbong daw sa kaniya ang anak ni Vhong Navarro habang umiiyak

- Nagviral ang asaran nila Vice Ganda at Vhong Navarro sa “It’s Showtime”

- Ayon kay Vice, na-adik na raw sa pag-inject ng Glutathione si Vhong kaya siya pumuti

- Pabiro din niyang kwinento na pati anak ni Vhong ay nagsusumbong na sa kaniya habang umiiyak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inokray ng todo ni Vice Ganda ang co-host niya sa “It’s Showtime” na si Vhong Navarro.

Ayon kay Vice, hindi raw natural ang pagiging maputi ni Vhong kaya inakusahan niya itong adik sa pag-inject ng Glutathione.

Pabirong sinabi ni Vice na nagsusumbong na raw sa kaniya ang anak ni Vhong habang umiiyak dahil hindi na raw siya pinapansin nito dahil sa pagka-adik sa Gluta.

“Yung anak mo nagsusumbong sa akin, umiiyak! Nasigawan mo daw,” sabi ni Vice.

Tawang-tawa naman ang netizens sa asaran ng dalawang hosts:

“Lakas talaga mang asar ni vice. Yun bang kahit ilang beses ka nyang burautin sa harap ng maraming tao dika maooffend imbis matatawa ka eh. True friend talaga.. lalo na pag clang tatlo ni jhong labu labu na!”

“Best tandem talaga Ang Vice & Vhong Haha pag wala silang dalawa boring ng showtime.”

“Sobrang naaaliw aq manood ng showtime ngayon,,ang galing tlga ni vice nkakawala ng stress pg napapanood q c vice at vhong sa showtime”

Si Vice at si Vhong ay kasama sa mga pioneer hosts ng “It’s Showtime.”

Nandoon na sila sa umpisa palang ng programa noong 2009.

Dahil sa tagal na ng kanilang pagsasama, naging napaka-talik na magkaibigan na nilang dalawa.

Hanga ang KAMI kay Vhong dahil marunong siyang tumanggap ng biro at hindi siya napipikon!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel