Nabenta na lahat ng branded na gamit! Xian Gaza, may mahalagang aral na natutunan sa nangyari sa kanya

Nabenta na lahat ng branded na gamit! Xian Gaza, may mahalagang aral na natutunan sa nangyari sa kanya

- Si Xian Gaza ay kilala sa kanyang imahe ng pagiging CEO ng isang kompanya

- Mahilig siyang magpost sa social media ng kanyang mga mamahaling gamit at mga biyahe sa ibang bansa

- Kaya naman hindi siya halos pinaniwalaan nang manghingi siya ng tulong upang mabuo ang perang kailangan niya sa kanyang pang piyansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng kontrobersiyal internet personality na si Xian Gaza ang natutunan niya sa lahat ng nangyari sa kanya.

Matatandaang niyaya niya ang aktres na si Erich Gonzales na magkape sa pamamagitan ng billboard.

Hindi man pumayag ang aktres, naging kontrobersiyal siya lalo nang maiugnay siya sa iba't ibang personalidad kagaya nina Ella Cruz, Liza Soberano at kamakailan lang kay Myrtle Sarroza.

Nadawit siya sa Bitcoin scam kaya tinagurian siyang pambansang scammer.

Sumuko siya at nakulong dahit sa ibinabang dalawang warrant of arrest dahil sa scam na kanyang kinasasangkutan.

Sa isang panayam ng PEP.ph, ibinahagi ni Xian ang natutunan niya sa lahat ng pangyayari sa buhay niya.

"Nabenta ko na po lahat to suffice my daily needs and expenses for the last four months after my ‘bitcoin scam exposé’ last December 2017."

Ito ay matapos matanong kung bakit hindi niya ibenta ang mga branded niyang gamit para sa kanyang pampiyansa.

Ibinahagi din niyang nahilig daw talaga siya sa mga branded na mga gamit.

"Ang nakakalungkot lang po na katotohanan ay I became fascinated with branded stuffs to please the people who hates me.

"Parang sa ganung napakababaw na hugot ay gusto kong may mapatunayan sa kanilang lahat.

"Maling-mali po talaga, very wrong. Lesson learned."

Nabenta na rin niya ang napundar niyang mga ari-arian upang ipambayad sa kanyang naging utang.

"...nabenta ko na rin po lahat pambayad ng utang."

Wala din umano siyang naipon kahit milyon-milyon ang nahawakan niyang pera.

"Wala po,"

"The truth is that everything are just earthly things and luxuries.

"Treasures are those priceless things na kailanman ay hinding hindi mabibili ng pera."

Natutunan daw niyang gumastos ng tama lang sa perang pumapasok. "a lavish lifestyle way beyond my means."

Managing your finances shall start po talaga sa iyong mindset and psychological wallet.

"So make sure, before spending any amount, whether how small or big it is, you need to set and prepare your mind first dahil once wala po ito sa tama at hindi akma sa papasok at ima-manage mong pera ay masasayang lang po lahat at walang patutunguhan na maganda."

7 Best Acupressure Points for Weight Loss - on Kami YouTube channel

Trying to lose weight? Control your appetite with these Acupressure weight loss techniques!

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video

Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video

Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel