Para maalala ang Pinas: Ben Chan, nagbigay ng antigong regalo kay Cole Sprouse

Para maalala ang Pinas: Ben Chan, nagbigay ng antigong regalo kay Cole Sprouse

- Nandito ngayon sa Maynila ang Hollywood actor na si Cole Sprouse

- Si Ben Chan mismo ang nag-welcome sa binata upang ibigay ang isang simple, pero makahulugang regalo

- Nagbigay si Ben ng isang antigong Moriones mask upang magkaron ng 'Filipino touch' sa koleksyon ng maskara ni Cole

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nandito ngayon sa Maynila ang Hollywood actor na si Cole Sprouse bilang endorser ng Bench.

Bukod sa mga celebrities na nagkaroon ng pagkakataon namakilala, mayakap, at makapag-selfie kasama ang Riverdale star, si Ben Chan mismo ang nag-welcome sa binata upang ibigay ang isang simple, pero makahulugang regalo.

Nagbigay ang retail mogul sa aktor ng isang maliit na bahagi ng kultura ng mga Pinoy sa isang antique Moriones traditional mask, na ginagamit sa Moriones Festival sa Marinduque.

Ayon sa Instagram ni Ben, napili niya ito dahil alam niyang merong koleksyon ng mga maskara si Cole.

Pagkuwento niya sa kanyang post: “@colesprouse gets an antique Moriones traditional mask to add to his collection of masks. A most fitting gift to Cole. As an archeologist, he’s always had fascination with cultures and traditions. #ColeSprouseForBench"

Ginaganap ang Moriones Festival sa Marinduque tuwing Semana Santa, kung saan ang mga lokal ay gaganap bilang mga Romanong sundalo noong panahon ni Kristo.

Nasa bansa si Cole upang dumalo sa iba't-ibang mga events at activities na inihanda ng Bench para lalo pa niyang makilala ang Pilipinas. Noong nakaraang taon, ipinakilala si Cole bilang isa sa pinakabagong global ambassadors ng clothing company.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel