Korina Sanchez, masaya sa pagreretiro ni Gabby Lopez bilang Chairman ng ABS-CBN!

Korina Sanchez, masaya sa pagreretiro ni Gabby Lopez bilang Chairman ng ABS-CBN!

- Pabor si Korina Sanchez sa naging desisyon ng dating boss na si Gabby Lopez III bilang Chairman ng ABS-CBN

- Sa kaniyang Facebook note, inihayag ni Korina na masasya siya sa naging desisyon nito na humarap na ng mga bagong pagsubok

- Ikuwinento niya na sa halos 30 years nilang magkasama, masaya siya na magagawa na ngayon ng dating head ng network ang lahat ng gusto niyang gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang open letter ang pinost ni Korina Sanchez sa kaniyang official Facebook account bilang tugon sa naging desisyon ni Gabby Lopez na magretiro na bilang Chairman ng ABS-CBN.

Pagkukuwento ni Korina, hindi boss-empleyado ang naging relasyon nila, kasama ng ibang mga nauna sa estasyon.

"We, the originals, never called him Sir or Boss. He was always just "Gabby" to us in the first batch. Parang big bro more than bossing. Parang Dad din niya, si Geny Lopez. Parang Dad namin lahat and hindi yung may ari ng kumpanya," pag-alala ni Korina.

Dagdag pa niya, walang nag akala na darating ang araw na si Gabby mismo ang magbibitiw sa posisyon.

"No one believes it. No one thinks Gabby Lopez, Chairman of ABSCBN, will actually ride into the sunset and step down from the thrills and hazards of being the main ringmaster of the circus, or the chief pilot of the stealth, or the director-producer of the saga movie --- that is ABSCBN,"

Nang pormal ng ipinahayag ni Gabby ang pasya, ibinahagi ni Korina na masaya siya sa kaniyang narinig. Sa wakas, ayon sa kaniya, ay magkakaroon na din ng kalayaan ang dating boss gawin ang gusto niyang gawin sa buhay, labas sa pagiging pinuno ng pinakamalaking broadcasting station sa bansa.

"So, after 30 years together in the company and through all those victories and failures and incidents, projects and parties and small conversations serious or otherwise --- I'm happy for Mr. Gabby Lopez. He now gets to do what he wants to do. I’m glad I witnessed the beautiful tribute to him the other night," pahayag ni Korina.

Isa si Korina sa mga naging pillars ng industriya ng pamamahayag sa ABS-CBN. Ayon sa kaniya, malaki ang naging utang na loob niya kay Gabby, at sa mga Lopezes para sa pagkakataong maging isa sa pinakatanyag na brodkaster sa Pilipinas.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel