Susundan na raw si Joaquin? Kaye Abad nais nang magkaroon ng baby girl

Susundan na raw si Joaquin? Kaye Abad nais nang magkaroon ng baby girl

- Sa kanyang instagram account, binanggit ni Kaye Abad na gusto na raw niyang magkaroon ng baby girl

- Apat na buwan pa lamang ang panganay nila ni Paul Jake Castillo ngunit nagparamdam na ang aktres na gusto na niyang masundan si Joaquin

- Tuwang tuwa sa buhay nanay si Kaye dahil hands-on mom talaga siya kay Joaquin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahigit na apat na buwan pa lamang si baby Joaquin, Nagparamdam na ang kanyang mommy na si Kaye Abad na gusto na siyang masundan.

Sa kanyang instagram, binanggit ni ng Kapamilya actress na balak nila ng asawa niyang si Paul Jake Castillo na sundan si baby Joaquin sa susunod na taon.

May hashtag na 'next year', gusto sana ng isang baby girl ni Kaye.

Samantala, sa isang episode ng Rated K, masayang ibinahagi ni Kaye ang masayang buhay niya bilang isang mommy.

"Dream come true siya super saya. Kasi dati sabi ko parang hindi pa ako ready. Eto na siya, totoo na talaga ito, may anak na ako," ani Kaye.

Bagaman at nagkaroon siya ng gestational diabetes noong ikaanim na buwan ng kanyang pagbubuntis, matinding pag-iingat sa matatamis ang ginawa ni Kaye para narin sa kapakanan ni baby Joaquin.

Hands-on mom si Kaye, kaya naman napansin niya na mas pumayat daw siya pagkatapos manganak.

Marahil daw ito sa puyat at iba pang 'mommy duties' na ginagawa ni Kaye.

Masaya si Kaye na katuwang niya talaga sa pag-aalaga kay baby joaquin ang kanyang asawa na si Paul Jake.

Pinagdiwang nina Kaye at Paul Jake ang unang anibersaryo ng kanilang kasal noong Diyembre ng nakaraang taon.

Narito ang video ni Kaye sa Rated K na nakuha ng KAMI sa youtube.

Ito ay ilang araw bago ipinanganak ni Kaye si Joaquin noong Disyembre 22 na kaarawan din ni Paul Jake.

Abril ng 2014 nang maging magkasintahan ang dalawa na inabot pa ng isang buwan bago nila ito ihayag sa publiko.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude

‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude

‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel