Ready na raw magkababy? Billy Crawford at Coleen Garcia nilahad ang susunod nilang plano matapos ang kasal

Ready na raw magkababy? Billy Crawford at Coleen Garcia nilahad ang susunod nilang plano matapos ang kasal

- Ilang araw matapos ang kanilang kasal nilahad nina Coleen Garcia at billy Crawford ang kanilang mga plano bilang mag-asawa

- Nagkatugma ang kanilang mga sinabi ng dalawa na gusto nilang sulitin muna ang oras bilang bagong kasal

- At dahil iba ang buhay mag-asawa, nais nang dalawa na kilalanin ang bawat isa ngayon na magsasama na sila sa iisang bubong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang napakaganda at magarbo nilang kasal sa Balesin Island noong Abril 20, agad na nagpaunlak ang bagong kasal na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa ilang interview at TV guesting sa ABS-CBN.

Nakapanayam ng TV patrol sina Mr. at Mrs. Crawford at agad silang tinanong kung handa na ba silang magkaroon ng baby.

“Hoping for more time together also, to really get to know each other as husband and wife muna,” ani Coleen.

Halos pareho rin naman ang sinagot ng kanyang asawa na si Billy, “I want to experience being a husband with my wife. I want to experience everything, the good and the bad, everything.”

Sa ngayon, pinapaliban muna nila ang kanilang honeymoon dahil na rin sa kanilang trabaho.

Napag-alaman ng KAMI na kahapon, Abril 24 bumisita ang bagong kasal sa noontime show na 'It's Showtime' kung saan sila ay dating mga host at kung saan din sila nagkakilala.

Hinarana sila ng mga kapamilya nila sa nasabing programa at buong pusong nag-Welcome sa kanila bilang bagong kasal.

Ang bawat isa ay nagbigay sa kanila ng mga pagbati na may kasama paring kaunting kalokohan.

Maging si Karylle na hindi nakadalo sa kasal nina Billy at Coleen ay personal na humingi ng paumanhin sa dalawa na naintindihan naman daw ang rason kumbakit wala ang singer/TV host.

Si Anne Curtis na gaya ni Karylle ay di nakadalo sa mahalagang araw nina Billy at Coleen ay nasa Marathon pala sa London.

“Si Anne, a lot of followers know that she’s in London for the London Marathon, which natapos na niya and we’re really happy for her and binati naman niya kami ng personal before and after the wedding. K has sensitive personal reasons that we’d rather not discuss,” ani BIlly.

Star-studded talaga ang wedding ng dating mga 'It's Showtime' host.

Di rin napigilan ni Billy na maging emosyonal sa araw ng kanilang kasal dahil na rin sa dami rin ng pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Inabot din ng dalawang taon ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend ng dalawa bago hiningi ni Billy ang kamay ni Coleen sa pagpapakasal.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel