Little Avengers ang peg! Larawan ni Scarlet Snow Belo na naka-'Black Widow' costume, viral ngayon sa socmed

Little Avengers ang peg! Larawan ni Scarlet Snow Belo na naka-'Black Widow' costume, viral ngayon sa socmed

- Umabot na sa higit 300k likes ang post ni Scarlet Snow Belo-Kho kung saan naka-costume siya ng 'Black Widow' mula sa Avengers

- Nagkataon din na ngayon ang unang showing day ng Avengers: Infinity War sa mga sinehan

- Pati ang facial expression ni Scarlet ay bumagay sa kanyang costume

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang cute na cute na Avenger costume photo ni Scarlet Snow Belo-Kho na naka-post sa kanyang Instagram.

Kasabay ng unang showing day ng The Avengers: Infinity War sa mga sinehan, nag-ala 'Black Widow' si Scarlet.

Si Balack Widow ay isa sa mga karakter mula sa Marvel Avengers.

Nakakatuwa siyang tingnan dahil maging ang facial expression niya any bumagay sa karakter ng costume niya.

Napag-alaman ng KAMI na ang naturang post ni Scarlet ay may hashtag na #ScarletSnowhansson na hango sa tunay na pangalan ng gumanap na Black Widow sa pelikula na si Scarlet Johansson.

Ayon sa Push, Umani na ng mahigit 300,000 na like ang post na ito ni Scarlet sa loob lamang ng 16 na oras.

"I don't like fighting but I also don't like bad and selfish people. So if you're bad and selfish you better watch out because I'm coming for you! #BabyAvenger #BabyBlackWidow #ScarletSnowhansson #AvengersPH," ang caption sa larawan ni Scarlet.

Di lang pala isa kundi dalawa ang post ng anak ng celebrity doctor na nakasuot ng nasabing costume.

Sa isa niyang post na may caption na "How come nobody thinks I’m serious?," makikita ang cute na cute pa rin na si Scarlet na kahit seryoso na raw ay kagigiliwan mo pa rin.

Si Scarlet ay ang bunsong Anak ni Dra. Vicki Belo kay Hayden Kho.

Di ito ang unang pagkakataon na nag-costume si Scarlet, katunayan dahil na rin sa nakakaaliw na mga dress up post at whereabaouts niya, umani na siya na mahigit na 2.2 million ang followers niya sa Instagram.

Sa edad niyang 3 taong gulang ay kinakitaan na siya ng talino kaya naman marami siyang 'followers' sa socmed dahil na rin sa kanyang mga pa-good vibes na post.

Be amazed with these smart kids. Kids answer BIG questions Children's honest answers in KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Asawa na lang daw kulang! Zanjoe Marudo, pinasilip ang pinapagawang bahay

Asawa na lang daw kulang! Zanjoe Marudo, pinasilip ang pinapagawang bahay

Asawa na lang daw kulang! Zanjoe Marudo, pinasilip ang pinapagawang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel