Roderick Paulate, kinasuhan ng graft at falsification bilang Quezon City Councilor

Roderick Paulate, kinasuhan ng graft at falsification bilang Quezon City Councilor

- Kinasuhan ng Ombudsman si Quezon City Councilor Roderick Paulate

- Graft at falsification ang mga kasong inilatag laban sa kaniya

- Lagpas P1 million daw ang nakuha ni Paulate dahil sa paghire ng ghost employees noong 2010

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Quezon City Councilor Roderick Paulate, na isa ring aktor, ay kinasuhan ng Ombudsman ng graft at falsification.

Napagalaman ng KAMI na ang alegasyon ay nag-hire daw ng ghost employees si Paulate noong 2010.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, kinasuhan din daw ang kaniyang drayber na si Vicente Bajamunde dahil sa pakikipagsabwat sa kaniya.

Inakusahan si Paulate na nag-rekomenda raw siya ng 30 katao sa Office of the Vice Mayor para sa contractual employment ngunit wala naman daw talagang naging empleyado.

Halagang P1,109,000 raw ang diumano’y nawala sa QC local government dahil sa ginawa ni Paulate.

Ang piyansa para sa aktor ay P246,000 at P30,000 naman para sa drayber niya.

Si Paulate ay aktor na kilala sa mga pelikulang “Anghel na Walang Langit,” “Charot,” “Inday Inday sa Balitaw” at “Jack en Poy.”

Lumabas din siya sa mga programa sa telebisyon gaya ng “Magpakailanman,” “Rosalinda,” “Oki Doki Dok” at “Abangan ang Susunod na Kabanata.”

Matalik na kaibigan siya ni Star for All Seasons Vilma Santos.

Ninanais ng KAMI na lumabas ang buong katotohanan sa kontrobersyang ito!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton

Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton

Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel