JM de Guzman, nagsalita na ukol sa rumor na si Jessy Mendiola ang dahilan kung bakit siya naging adik

JM de Guzman, nagsalita na ukol sa rumor na si Jessy Mendiola ang dahilan kung bakit siya naging adik

- Nalulong noon sa ipinagbabawal na gamot si JM de Guzman

- Nagkaron ng tsismis na si Jessy Mendiola daw ang dahilan kung bakit siya naging adik

- Itinanggi ng aktor ang tsismis na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Klinaro na sa wakas ni JM de Guzman ang mga tsismis na may kasalanan daw diumano ang ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola kung bakit siya nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Napagalaman ng KAMI na itinanggi ni JM ang tsismis na ito.

Ayon sa report ng PUSH, ang sinisisi lang ng aktor sa kaniyang mapait na karanasan ay ang kaniyang sariling mga desisyon sa buhay.

“Hindi ko pwedeng sisisihin do’n, eh, kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa kahit anong problema.

“Isinisisi ko lahat ng nangyari sa maling choices na ginawa ko to deal with my problems,” sabi ni JM.

Idinagdag din ni JM na mayroon siyang grupo na tumututok sa kaniya para hindi siya manumbalik sa maling paraan ng pamumuhay.

“May support group po ako na hindi binibitawan. Kailangan ding maging humble enough pa rin ako to seek help.

“Kasi ang recovery naman po kasi hindi naman natatapos agad. It's a life-long struggle or fight. Kung tumigil ako sa paghingi ng tulong o support, doon ako puwedeng madapa po ulit,” pag-amin ng aktor.

Sa Abril 30, magsisimula na ang comeback project ni JM sa Kapamilya network.

Ito ay pinamagatang “Araw Gabi.”

Cast members din sila Barbie Imperial, Vina Morales, Jane Oineza at Ara Mina.

Hanga ang KAMI kay JM dahil sa kaniyang kababaang loob, honesty at pagpupursigi na magbagong buhay!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Vice Ganda dismissing accusations of him endorsing Imee Marcos

Netizens react to Vice Ganda dismissing accusations of him endorsing Imee Marcos

Netizens react to Vice Ganda dismissing accusations of him endorsing Imee Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel