Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

- Isang Pinay na OFW ang nagbahagi ng kanyang karanasan kumbakit siya ay napilitang mangibang bansa

- Dumaan ang kanyang pamilya sa malulupit na dagok ng buhay

- Sipag, tiyaga at katatagan ng sarili ang naging sandata niya sa pakikipagsapalaran sa abroad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Karaniwan nang dahilan sa pangingibang bansa ang kahirapan.

Kadalasan, umaalis ang ating mga kapwa Pilipino at tinitiis ang lungkot at hirap sa abroad mabigyan lang ng kaunting ginhawa ang mga mahal sa buhay.

Bukod sa kahirapan at kasalatan sa pera, ang ilan sa kanila ay dumanas pa ng matitinding dagok sa kanilang buhay.

Gaya na lamang ng karanasan ni Arlene Delapeña Rubi na buong tapang na ibinahagi sa KAMI ang mga pagsubok sa buhay na kanyang pinagdaanan maitaguyod lamang ang kanyang mga anak.

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Dumating sa punto na literal nilang sinuong ang bagyo at baha. Nakasalba man sila sa trahedyang ito, may mas matindi pa palang hamon ng buhay ang kanyang haharapin.

Narito ang kwento ni Arlene na magsisilbing inspirasyon sa atin na minsan, magpapasalamat pa rin talaga tayo at may ibang tao pa pala na mas matitindi pa ang kinahaharap na problema.

From Sender Arlene Delapeña Rubi

""Magandang araw poh sa inyo..

Ito poh ang kuwento ng buhay ko.. galing po ako sa mahirap na pamilya... khit po kmi mhirap lang atleast nakapagtapos din kami magkakapatid sa pagaaral pito po kming mgkkptd.. sa totoo di ko po nagisnan ang tunay kung ama 2 kami ng ate ko. Step father na ang nag palaki sa amin...

"Hanggang sa nakapagasawa mabait naman xia kaso ang mga pamilya nya mga masasama ang mga ugali at mga inggetira...

Yon na nga po sa loob ng 11years naming pagsasama maraming pagsubok ang dumating sa buhay namin, at nagkaroon ng 5 na anak .....ito po yong mas matinding pagsubok ang dumating sa min. Naalala ko pa bagyong glenda..non di namin akalain na don smin tatama ang pinakamalakas ba bagyo.. kz sabi sa balita lumihis dw , ok na kampante na kmi. Kz naman po tlga tahimik ang panhon at maaraw pa nga ng time na yon .kaya di kmi lumikas. So sumapit na po ang gabi patak2 na ang ulan hanggang palakas ng palakas at ang dagat galit na galit malalalKing alon ang nkikita k hanggang lumaki na ang tubig so nagdicide kami mag asawa ilikas na ang mga bata na di po pla namin alam napakalaki na ng tubig tumalon po kmi at lumangoy kasma ang lima nming mga anak ko .. habang binabaybay namin ang baha nagliliparan ang mga bobong na yero sa aming dinadaan nagdadasal ako non sana walang mangyari samin ..hanggang nakarating me sa mataas na lugar sa bahay ng tuyuhin nya akala ko safe na hindi prin pla kz mas lumaki pa ang tubig kz nga bumaha.

Pinasok na ng tubig ang loob ng bahay na tinuluyan ng mga lumikas nataranta na po silang lahat .... kmi po di prin umaalis kz mas dilikado sa labas at nagbabagsakan na ang mga puno ng niyog.. sbi ng asawa ko umalis na tau lumipat na ng mas mataas sa daan humingi xia ng tulong nailigtas ang kanyang mga anak .dahil po lampas tao na ang tubig sakaliitan pa ng mga anak ko maari silang malunod .. tinawid po namin ang napakaliit na tulay habang malakas ang agos ng baha. Nasa isang pagkakamali hakbang maari ng mahulog .sa oras na yon disperado na asawa ko ako lang ang nagpapalakas ng loob sabi ko kaya nating iligtas ang mga bata.. magdasal lang tau sa Panginoon hanggang natawid namin ang tulay sa awa ng Diyos walang nangyari sa amin mag anak. Yon nga po humupa na ang baha wala na rin ang malalaking alon at wala na rin ang bahay namin tinangay na ng baha. Lahat kaming nakatira sa tabing dagat naubos ang tirahan ... pati panghanap buhay namin wala na.. di parin kami nawalan ng pagasa..lumipas ang maraming taon .

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Hanggang nag dicide ako na mangibang bansa at makatulong sa knya at makapatayo ng bhay sa mas mataas na lugar na di naaabutan ng tubig . Ito na sa tulong ng isang kaibigan dinala ako sa manila para mag apply cguro nga kakampi ko ang Diyos kaya madali aKong nakaalis nagkaroon agad ako ng employer. So sobrang saya kz matulutungan ko na rin asawa ko sa pang araw2 na gastusin lalo na sa pagpa2aral sa mga bata.... November 09 2015, lumuwas ako pra mag take ng owwa at yon na lang kz ang hinihntay na certifaction at flight ko na, masaya aq kz kusap ko asawa ko sa celphone sabi ko di na aq makakauwi kz tuloy na fligth ko na pero mas xiah pa ang nag paalam sa akin na baka di na tau magkita. Deadma ko lang po yon sabi ko anu ka ba 2yrs lang uuwi din ako.... yon na pala ang huling boses na marrinig ko sa kanya. November 10. Nakatanggap ako ng tawag mula sa sister ko na kung gusto ko pa raw makita umuwi ako... bakit pa aq uuwi eh fligth ko na.

Hanggang sinabi rin nila na patay na nga asawa q inatake habang naghahanapbuhay sa dagat lalo nat nalunod kz don xia inatake sa dagat, dead on arrival hindi na xia inabot sa hospital.. wala na akong nagawa kundi umiyak ng umiyak sa masamang balitang natanggap . Isang oras ng isip babalik aq sa Quezon para makita ang asawa ko at kawawa ang mga anak ko walng mag aalaga.. as in pong talagng nakakaawa ang mga anak ko kz nakita nila na ang papa nila wala ng buhay sabi nga raw ng bunso ko natutulog lang si papa.. yong ibang anak ko naman di alam kung saan pupunta naghihistirikal.. kz wala pa ako ng time na yon. Nasa byahe pa 9 hours ang byahe from manila to Guinayangan Quezon. Hanggang sa makarating na aq sa amin at nakita na totoo nga may mga tao at trapal sa harap ng bahay namin...di ko alam ang gagawin ko ng time na yo hanggang sa makaakyat aq sa loob ng bahay namin don nakita ko xiah wala ng buhay patay na.. .. naaalaa ko pa ng sabihin niya unang pasko di natin makakasama mama mo yon pala xiah ang di namin makakasama....

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Napakalungkot po no... habang nakaburol tinawagan ko employer ko na di ako makkarating kz namatay asawa ko . After ng libing niya .. nagisip ako na dito na muna ako sa magpasko at bgong taon na sa piling ng mga anak ko..... hanggang sa may nagsasabi wag ko na raw iwan ang mga bata... para anu para lalo me mag hirap kahit pambili ng vitsin wala totoo po yan. Naranasan ko po yan na walang maisaing walang mag pautang sa amin.... umiyak at tumitingin sa asawa ko na tumutulo ang luha sbi nga nya ohh sinisisi mo naman ako sa kahirapan natin...???

Janaury 05. 2016

Lumuwas ako kz flight ko ng january 06 di na po Ko nag paalam sa mga bata kz tulog cila tanging halik at yakap lang ang ginawa kz ayaw kong umiiyak sila

Nasa airport na po ako nilakasan ko lang loob ko kz pra sa kinabukasan nila kaya ko ginawa ang lumayo sa kanila 1year ko silang di nakausap ksi kinuha ng amo ko cp ko, gumawa ako ng paraan para makabili ng cp sa tulong ng kapwa ko pinay bumili ako at yon nakontak ko sila sekreto nga lang kung gamitin ko ang cp kc pag nakita kukunin ulit nila kz nga bawal. Mahigpit po ang employer ko . Sa janaury 06 2years nako , tapos ko na contract ko.

Kaso until now 2 yrs nag work walang naipon... totoo po wala akong naipon ang pera kc padala ko lahat sa sister ko. Lagi kasing nagrereklamo pag late ang padala ko. Kaya nag isip ako na di muna umuwi titiisin ko ulit ang pangungulila ko sa aking mga anak.. kz gusto kong makaipon kahit kunti ...... yan lang po maibabahagi ko sa inyo ang malungkot kong buhay kahit pa sabihing nakangiti di nila alam ang ang hirap at sakit sa dibdib na di ko kapiling ang mga anak ko.. . Maraming salamat po sa pagbabasa at pag aksaya nyo ng oras sa kuwento ng buhay ko.. God bless you po and Happy new year..... thanks..

Binagyo, nawalan ng bahay, namatayan ng asawa! OFW matatag na hinarap ang matitinding hamon ng buhay

Mga anak ni Arlene na nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay

Habang nag ttype ako ng tumutulo ang luha ko kc naaalala ko lang ang nakaraan.. Salamat !! Dahil nasabi ko ang matagal ng nakatanim sa dibdib nabawasan ang sakit... sarap sa pakiramdam ang gaan kc nailabas ko ..

Masarap sa pakiramdam na maishare ang talambuhay ko at magbigay aral din sa mga katulad kong single parent, tiyaga tibay at lakas ng loob at pananalig sa Diyos... ang dapat laging isipin...

Naniniwala ang KAMI na likas na matatag ang mga Pilipino pagdating sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel